Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang puting kisame at puting ilaw. Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng silid. Sa unang tingin ay malalaman mo agad na nasa ospital ka.
Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga pero nabigo. Nakaramdam ako ng pananakit sa iba't-ibang parte ng katawan ko pero malala sa kaliwang tagiliran ko. Nakita kong bumukas ang pinto ng inuukupa kong silid kaya napaayos ako ng higa. Lumapit siya sa gilid ng kama at tinignan ako.
Isang lalaki ang tumayo sa gilid ng kama ko. Maganda ang built ng katawan niya at halatang pumupunta sa gym. Nakasuot siya ng puting longsleeves na polo na tinupi hanggang sa siko niya at itim na slacks. Nakabukas din ang unang tatlong butones ng suot niyang polo kaya nakikita ko ang dibdib niya. Sinubukan kong tignan ang mukha niya pero hindi ko ito maaninag. Nasisilaw lang ang mata ko sa liwanag na nanggagaling sa ilaw sa kisame.
"S-sino ka?", nanghihinang tanong ko.
Kinuha niya ang upuan na nakalagay malapit lang sa kinahihigaan ko at naupo doon.
"I'm Malver Garcia.", pagpapakilala niya nang makaupo na siya ng maayos sa upuan.
Nakikita ko na ng maayos ang mukha niya. He has this American-like features. He has brown eyes that stares intensely. Makapal ang kilay niya na bumagay sa tan skin niya. Matangos din ang ilong niya at manipis at mapula ang mga labi. He also has a square-stubborn jaw. All-in-all, gwapo siya.
Napayuko siya bago ulit nagsalita. "Sorry for what happened last night. I didn't see you kaya nangyari iyon."
Now, that he mentions it, wala akong maalala sa nangyari. Napakunot ang noo ko dahil do'n. "A-ano ba a-ang nangyari k-kagabi?"
Napaangat ang tingin niya sa akin. "You don't remember anything?" Tumango ako. He sighed. "Nasagasaan kita. Nasa pedestrian lane ka naman pero hindi kita nakita agad kaya hindi ako nakapagpreno."
Napatulala ako sa kawalan. Nanumbalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari kagabi. Yung pagtutok ni Ezly ng baril sa akin. Yung pagtakbo ko palabas ng building. Yung pagsakit bigla ng ulo ko. At yung buwan. Napaluha na naman ako sa mga naalala ko.
"Hey! Hey!", naramdaman kong may yumugyog sa mga balikat ko.
Napapikit-pikit ako bago napatingin kay Malver.
"You okay? May masakit ba sa'yo?", nag-aalalang tanong niya.
Wala sa sarili akong napailing. "I'm okay."
Binitawan na niya ang balikat ko saka bumalik sa pagkakaupo sa upuan.
"What's your name? By the way, I registered you as Amber Garcia. Pero for sure may nakuha na silang ID mula sa pitaka at cellphone na nahulog mula sa bulsa ng short mo.", sabi niya habang nakapatong ang siko sa binti at nakapangalumbaba.
Nagtaka naman ako dahil hindi niya ako kilala. I mean, almost everyone that I encounter with knows me. It's a first that this guy doesn't know me. And somehow, kahit takang-taka ako ay napangiti ako sa thought na hindi niya ako kilala.
"I'm Jacky. Jacky Elcathina.", nakangiting sagot ko saka inilahad ang kanang kamay para makipag-shake ng hands.
Ngumiti din siya saka inabot ang kamay ko. "Nice to meet you, Jacky.", sagot niya habang nakikipag-shake ng hands sa akin.
Binitawan na niya ang kamay ko kaya sinubukan ko ulit na umupo. Tinulungan naman niya ako. Nang makaupo ay napahugot ako ng hininga.
"So, kamusta ang lagay ko?", tanong ko sa kanya. Hindi na ako masyadong nanghihina kaya nakakapagsalita na ako ng diretso. 'Yun nga lang hindi pa gaanong malakas.