"Meeting adjourned."
Finally. Matapos ang tatlong oras ay natapos din ang meeting. Agad akong tumayo at kalmadong naglakad palabas ng conference room kahit kating-kati na akong tumakbo palayo.
I kept a blank expression on my face while walking down the hall to the elevator. I pressed the button on the elevator and patiently waited for it to open. Once it does, I immediately went inside and hoped that no other person that attended the meeting joins me inside.
But I guess life has a different plan. The door of the elevator was about to close when a hand stopped it and I saw the face of the man I have loved for two years. The face of the man who made me feel whole. How ironic that he's also the man who broke me to pieces.
He looked me in the eye before entering the elevator, hesitation written on his face. I took a deep breath and ignored him. The whole ride felt like an eternity. The space and silence between us shouted awkwardness. He kept on clearing his throat as if trying to get my attention. I took another deep breath and pretended that I was alone. When the elevator stopped, I hurriedly went to my car. I was about to open it when a hand pulled me by my arm. I faced him and raised my eyebrow while waiting for him to say something.
"Jacky, talk to me.", hinarap niya ako ng maayos. "Come on. It's been two years, Jacky. Don't you miss me?"
Tinitigan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nang mapansin niya iyon ay agad niyang binitawan ang braso ko.
Iniangat ko ang tingin sa kanya at sinalubong ang titig niya. "Why would I miss someone who left me?"
"We both know that I didn't choose to leave. You", naiiritang nagsalubong ang mga kilay nito saka dinuro ako, "made me leave."
"Because you cheated.", pinukol ko siya ng masamang tingin kapagkuwan ay tinaasan ng isang kilay. "Bakit ako magpapaka-martyr sa isang taong pinaramdam sa akin na hindi ako sapat?"
"I never cheated.", tumiim ang bagang niya.
Mapakla akong natawa sa sinabi niya. "Yeah, and hell sells ice.", umirap ako saka napailing-iling at walang emosyong natawa na naman.
His idiocy is too much for me to handle. This is why I hate talking to imbeciles.
I looked him in the eye, smirked and showed him my middle finger before turning my back on him. Binuksan ko ang driver's seat saka lumingon ulit sa gawi niya at nang makitang nakatulala lang siya sa hangin ay napangiti ako. Agad akong sumakay sa sasakyan ko saka pinaandar iyon pauwi.
Mag-a-alas sais na natapos ang meeting dahil sinabi na sa amin ang lahat ng mangyayari pati na din ang plot at ibang cast at ibinigay na din ang kanya-kanyang script
Pagdating ko sa penthouse ko ay wala ng tao. Dumiretso ako sa kusina para tignan kung may iniwan na sulat si Ezly sa ref. May nakita akong post-it note na nakadikit sa ref kaya't kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.
Hey, Honeybee. Umuwi ako dito kaninang alas kuwatro kasama si Eros. Ibinilin mo daw kasi ako sa kanya. Kumuha lang ako ng ilang damit na dadalhin ko sa Baguio. Nagluto na rin ako ng pagkain mo diyan. Baka Biyernes ng umaga na kami makauwi. Tawagan mo ako kapag nabasa mo na 'to.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng clutch bag ko saka tinawagan si Ezly. Nakakadalawang ring pa lang ay sinagot na ito agad ni Ezly.
"Whattup, Honeybee. Are you home?", bati sa akin ni Ezly sa magiliw na boses.
Umupo ako sa countertop bago sumagot. "Yep. Kakauwi ko lang. Nasaan na kayo?"
"Sa 7/11. Nagutom agad mga kasama ko, e.", mahina itong natawa.