Chapter 1

53 2 0
                                    

"Alam mo kung ano masayang gawin kumain!"sabi ko dito sa pagmumukha ni Dara.

"Ayoko. Masyado akong depressed !!"pagngawa niya sakin.

"Sinong masyado depressed kumain ?! Ang saya kaya. Kesa naman sa lovelife mo." Pabulong kung sabi.

"Anong sabi mo ?!" Paghampas niya ng malakasa braso ko.

"Wala. Babalik na ako sa bahay sabi ko. Bye! Iwasan mo ang lumandi ha, pwede ba ?" payo ko sakanya habang palabas na sa pintuan.

"Bwiset ka! Dagdag pimples ka!" sabi niya habang binato yung unan sa pinto.

Pagkalabas ko ng bahay nila Dara napansin ko na pagabi na pala kaya naman agad akong naglakad pauwi.

Habang pauwi ako ay may sinisipa ako na bato na maliit sa daan ko habang ang parehong kamay ko naman ay asa bulsa ng pantaloon ko. Pagpapatuloy ko ata ito hanggang sa makauwi ako.

Nakatingin lang ako sa kawalan. Ito na rin siguro yung mga oras sa araw ko na iniisip ko na ang mga nangyari sakin ngayong araw.

Gumsing, Pumasok, Kumain, Nagaral joke hindi ako nagaral natulog lang ako sa klase buong araw, umuwi at naging best friend ni Dara. Kailan ba ako Hindi naging bestfriend kay dara ?

Ako yung tissue niya tuwing sinsaktan siya nung g*go niyang boyfriend.

"hello ?" tanong ko sa may kabilang linya.

"c-chris-christian ? "rinig kong tanong ni Dara. Umiiyak nanaman siya.

"Christian ka-kailangan kita, ple-please. Pumunta ka di-dito."

At ayun andito nanaman tayo.

"Papunta na ako."

END CALL

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya. Nakailang katok ako bago niya ito buksan, hinila ako sa loob at yakapin ng sobrang higpit.

"ba-bakit Christian ? bakit palagi na lang silang ganyan ?" pagtanong niya sakin habang patuloy ang pagagus ng luha niya.

Hindi ako umimik. Niyakap ko lang siya doon. Ganto kami palagi makikinig lang ako habang sinasabi niya kung gaano kasakit ang nararamdaman niya.

Tanga niya kasi e, Nagpapakatanga siya sa isang lalaki na alam niya namang lolokohin siya pero anong sinasabi ko.

Wala. Ano bang magagawa ko never naman siyang nakinig.

Ganoon at ganoon parin ang nangyayari.

Kasi tanga din ako.Torpe pa, oh diba.

Pwede naman kasing maging kami pero yun hinahayaan ko parin siya makasama yung tao na mahal niya kung dun siya Masaya.

Masaya ba siya dun ?

Sa sobrang lalalim ng iniisip ko ngayon ko lang napansin na asa park na pala ako. Hindi naman ito kalayuan sa amin kaya magstastay muna ako magpahangin.

Umupo ako sa isa sa mga bench at hinilamos ang kamay ko sa mukha ko. Pumikit..

"Christian ?" tanong niya habang nakayakap parin sakin.

Stuck In Her DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon