Chapter 5

29 1 0
                                    

Christian.

“Christian!”tawag sakin nila terrence. Agad ko naman silang nakita at lumapit sa grupo.

Habang papunta ako doon ay nakuha naman ng atensyon ko si sheena, hindi maganda ang tingin niya, hindi rin malandi, yung tipong may evil plan na ewan. Anong trip ng unggoy na ito.

Nung nakita niya na nakatingin ako nakipagusap na lang siya ulit kanila terrence.

Nung nakarating ako sa pinagkaroroonan ng grupo lahat sila napatigil sa pagsasalita at tiningnan ako.

Ako naman ay nakayuko lang at nakatingin sa lapag.

Nung naramdaman ko ang titig ng lahat, inaggat ko ang ulo ko at tiningnan sila. Unang nagsalita si troy “Okay ka lang ba pre ?” tanong niya.

“Oo.”sagot ko. Nakatingin parin sila sakin.

“Hindi lang ako masyado nakatulog kagabi.”sabi ko na pangiti.

Nakita ko na biglang nagevil smile  shena pero agad din namang binawe ito nung tiningnan ko na siya.

Nakatingin parin sila sakin ng may alala. “Okay lang ako.” Patango kong sabi, nagtinginan sila, “Sige. Pre jingle lang ako.” Dagdag ko, at tuluyan na umalis.

Nang makarating ako sa banyo ng mga lalaki, Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Mukha akong hindi na tulog ng ilang araw pero kagabi lang iyon, hindi ako makatulog kasi masyadong marami ang nangyari kahapon may kumakalat na kung ano ano na tungkol sa akin, sa katangahan ko ay hinalikan ko yung bestfriend ko at nagising ako sa gitna ng gabi dahil sa panaginip ko.

Sobrang bilis ng pangyayari. Yung tipong isang minuto lamang ay asa pagitan ako ng babae na hindi ko kilala at sa pintuan kung asan ang bestfriend ko. Narinig ko lang ang pangalan ko kaharap ko na siya. Kakaiba ang nararamdaman ko dito sa babae na ito, hindi ko maexplain kung ano siya at lalong lalo na kung sino siya.

‘Mahal mo siya’ bigla ko na isip.

“Hindi tanga ka ba ?” tanong ko sa sarili ko sa salamin.

“Hindi pwede mangyari yun…pero paano kung mahal ko nga siya?” tanong ko sa sarili ko.

“Mahal mo nga ba ?”bigla ko na lang narinig mula sa likod ko.

Halos mapatalon ako dahil sa biglang pagsulpot nitong si sheena.

Nakita ko na nakasandal siya sa pader habang nakatiningin siya sa akin, makagangster pose to ha.

Lumingon ako at tiningnan siya na gulat na gulat. “She-sheena ?? Anong ginagawa mo dito ?”tanong ko sakanya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa tapos bumalik sa mata ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck In Her DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon