Chapter 3

13 0 0
                                    

Sinara ko agad yung pintuan, Kahit alam ko namang wala nang humahabol sakin.

“Ay, Jusko kang kabayo ka! ”rinig ko na sinigaw ni mama galing sa kusina, kasabay ng nalaglag na plato.

“MA!” tumakbo ako agad sa kusina at na abutan ko si mama na sinisip-sip ang daliri niya. Naghihiwa siya ng gulay kaya nasugatan niya ang sarili dahil sa pagdabog ko ng pinto.

Agad ko namang tiningnan ang kamay ni mama, hindi naman ganun kalala ang sugat niya.

“Sige na anak, ako na.” sabi ni mama nung kukunin ko sana yung first aid kit.

“Di okay lang ma,”nilinis ko ito tapos nilagyan ng band aid. Pinulot ko lahat ng nalaglag na gamit at nilinis ang lapag.

“Hindi okay lang yan, ako ng bahala gan.” Pagpigil niya sa akin nung kinuha ko yung basahan.

“Ano ka ba ma ? ako may kasalanan nito. Dapat di ko dinabog yung pinto ayan tuloy nagulat ka at nasugatan mo pa ang sairili mo. Pasensya na po.”sabi ko kay mama.

Ningitian niya lang ako.

Tapos kung linisin ang lapag at mga pingan. Umupo ako sa tabi ni mama at tiningnan yung kamay niya.

Hindi nagsasalita si mama at parang sobrang lalim ng iniisip.

“Ma, okay ka lang ba ?”tanong ko saknaya ng may halong alala.

“Ah, eh okay lang naman ako.”sabi niya ulit sa akin ng may ngiti kaso may iba sa ngiti niya, may hindi siya sinasabi sa akin.

“Anak,” tawag sakin ni mama. May sasabihin siya pero parang nagiisip pa siya kung sasabihin niya sa akin ito.

“Ano po yun ?”

“May naginvite kasi sa atin kasal, next week na siya.”sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.

“Sige po, wala naman po akong lakad, sino ba pong ikakasal ?”tanong ko kay mama. Wala naman kasi akong nabalitaan na may kamaganak kaming ikakasal.

“Ate Patricia mo,”

Nagulat ako sa sinabi ni mama. Si ate patricia ikakasal na ? Napatigil ako doon sa sinabi ni mama at parang hindi na ako makapagisip ng mabuti.

Hinawakan ni mama ang kamay ko, naging dahilan ng pagbalik ko sa realidad. Nagaalala ang tingin sa akin ni mama habang hawak niya ang kamay ko.

“Sige po, wala pong problema sa akin yun.” Sabi k okay mama na may kasamang ngiti.

“Sige po matutulog na po ako.”sabi ko kay mama, hinalikan ko siya sa pisngi.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay humiga ako at binaun ang mukha ko sa unan. Umikot para Makita ko ang kisame.

Stuck In Her DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon