Chapter 2
“Sige na Mr.Gero, Pwede ka na pumunta sa klase mo.” Sabi ni Mam Lea ng matapos ko ang pagtatakbo.
“Th—thank yo—you po Mam,” sabi ko habang hinihingal. Iniwan niya ako pagkatapos noon, agad ko naming kinuha ang gamit ko at dumiretsyo sa classroom namin.
Habang papunta ako sa klase natandaan ko yung panaginip ko kagabi at agad din naman ito sinangtabi. Wala naman akong dapat ikabahala doon. Di nagtagal ay nakarating na ako sa classroom, wala naman sigurong pinapagawa kasi pagkapasok na pagkapasok ko sobrang ingay ng klase. Dahil sa kinaturingan nga akong tanga umasa ako na galit parin si dara sa boyfriend niya, pero bati na pala sila.
Bakit ko ba hindi kayang ligawan ang bestfriend ko ?
Kasi torpe ako simula pa lang, takot akong mareject at masayang lahat ng pagkakaibigan naming para lang sa nararamdaman ko. Kailangan ko na ba talaga siyang kalimutan ? Never naman kasi niya marerealize na niloloko lang siya ng boyfriend niya, habang ako niloloko ang sarili ko.
“Oh, Christian buti naman pumasok ka pa.” sabi sakin ni Sir Jason.
“Sir pag ako nagabsent wala kang uutusan,”sabi k okay sir pagkaupo ko, totoo naman. Hilig akong utusan ni sir siguro kasi asa harapan ako, pero may officers naman. Palagi naman ako bagsak sa subject niya.
“HAHA ayaw mo yun ? ikaw ang pinakafavorite ko. Punta ka mamaya sa faculty kunin mo yung quiz notebook niyo. ” utos niya.
“Sige na sir,”
“Hoy! Anong kaguluhan meron gan ?!” tanong ni sir sa likod ng classroom na mga estudyante, Na naglalaro “Sama niyo ako.” Dagdag ni sir, yung teacher na barkabarkada lang, YEAH!
Habang ako lumapit sa mga kaibigan ko, una ko nakita ay si Terrence (A:hehe) at nakita naman ako agad ng iba.
“Chris, Mukha kang basura.” Sabi sakin ni Andrea.
“Ha ? Si Christian, basura ?”Lumingon si sarah sa akin para ako tingnan, “Haha wet look ba ang peg ? ” sabi nila patawa.
“Anong ?!” tanong ko sabay hablot ng salamin sa kamay ni Jake. Ngayon ko lang napansin at natandaan na kanina pa ako tumatakbo. Agad ko naming inaayos yung sarili ko.
“Ok na ba ?” tanong ko pagkatapos magpabango.
“Oo, gumuwapo ka lalo.” Sabi ng isang babae sa likuran ko. “Hi,” sabi ni dara habang nakadungaw ang ulo mula sa likod ko.
“Hello.” Patawa kong sabi, “Kamusta ?” tanong ko, alam niya na yun hindi ko na kailangan ipaalala.
“Ok na kami,” sagot niya. Pangtanga ang tanong ko alam ko naman na okay lang sila magkasama nga sila kanina eh, wag ka nang umasa Christian.
“Break na kami.”
Katahimikan ang sumunod,
Asa beach ako, at walang tao, parang ako nga lang ang nagiisang tao dito. Pababa na ang ulap kaya umupo na lang ako sa buhangin para panoorin ito.
Nang may napansin ako malapit sa dagat Dalawang tao na nonood ng sunset katulad ko,
Nung una hindi ko pinansin, kaso habang out of no where parang may nagsabi na tumingin ako sa kanilang dalawa.
Nakita ko naman yung dalawa ay parang may relasyon, magkaaholding hands at nakahiga ang ulo nung babae sa balikat ng lalaki, habang hinihimas ang kamay nung babae.
Napatingin ako sa paligid ko at gusto ko tawanan ang sarili ko kasi panaginip ko na nga lang lonely pa ako,
Samahan ng forever alone.
BINABASA MO ANG
Stuck In Her Dream
RomanceI'm in someone else's dream, but I have nothing to do with her.