1

22.7K 524 70
                                    

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

MABILIS ANG KOTSENG pinapatakbo ni William. Hindi niya ma-kontrol ito at bumubulusok siya dahil pababa pa ang kalsada. Nag-panic siya at halos mapapikit na lang sa kawalan ng pag-asa lalo't alam niyang babangga na siya.

Tumama ang kotse nito sa isang puno. Nawalan ng malay si William at may dugong biglang umagos sa ulo nito. Umuusok ang kotse at warak ang unahan sa lakas ng impact.

"Waaah!! Kuya William!"

Umiiyak na tumatakbo si Yuka habang yakap ang manikang si Lily habang palapit sa kotse. Napadilat si William at napatingin kay Yuka na binuksan ang pinto ng kotse at hilam sa luha ang mata at mukha na niyugyog siya.

"Bakit mo bangga 'yung puno? Patay ka na ba? Waaah! Ayaw ko! Ayaw!"

"Cut! Miss Yuka!"

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Yuka kaya agad na umalis si William sa pagkakaupo sa kotse at lumabas.

"Honey, bakit ka nandito? Sabi ko doon ka lang sa chair."

"Kita ko salpok kotse mo," umiling-iling ito, "ayaw ko. . . Patay ka na ba?"

Natawa siya at pinitik ito sa noo kaya napatigil ito at napasimangot.

"Oh, may patay bang namimitik?"

Napahimas ito sa noo habang nakanguso pa rin.

"Bakit bangga mo kotse? 'Di ba 'pag bangga kotse patay na? Bakit ikaw buhay pa?"

Natawa siya at ginulo ang buhok nito bago halikan.

"William, ano ba naman 'yan! Kailan pa tayo matatapos kung palaging sumisingit siya sa eksena. Kada take na lang. My gosh!"

Irita na ang director kaya napahinga ng malalim si William.

"I don't think I can continue this. I quit."

"But William.."

"Kung ayaw ng asawa ko na makita ako sa ganitong eksena, kailangan kong mag-quit. Pasensya na sa abala. Babayaran ko na lang lahat ng danyos. Let's go, Honey."

Inakay na niya si Yuka at lumapit siya kay Charlie na napailing.

"William, mabuti pa siguro 'wag mo nang isama sa taping si Yuka. Palaging nauudlot o nagki-quit ka sa trabaho. Paano kung wala ng kumuha sa 'yo na producer?"

"Charlie, you know showbiz is just a second place to my priority. Yuka is my first priority. Kaya wala mang kumuha sa akin ay ayos lang, basta nababantayan ko si Yuka palagi. Ayokong maiwan siyang mag-isa at may mangyari na naman na pagsisisihan ko lang sa huli."

Napahinga ng malalim si Charlie at tumango na lang. Ngumiti siya at tumingin kay Yuka na nakakapit sa braso niya habang hinahatak iyon.

"Uwi na tayo.. Gusto ko na laro.."

Ginulo niya ang buhok nito habang napapangiti siya sa ka-sweetan nito.

"Oo, uuwi na tayo.." bumaling siya kay Charlie, "Salamat, Charlie. Hanap mo na lang ako ng may offer na hindi ako masasaktan."

Umirap sa kanya si Charlie, "Ay, ewan ko sa 'yo. Imbyerna ka. Mag-talk show ka na lang kung ayaw mo rin na masasaktan sa scene. Hay, maloloka ako sa inyo. Sige, umalis na kayo at nag-iinit ang ulo ko."

Natawa siya sa lintaya nito. Kahit gano'n si Charlie ay alam niyang hindi siya nito matitiis.

"Bakit po kayo galit? Ayaw niyo po ba hindi patay si Kuya William? Huhu.. Bad ka!"

Lalo siyang natawa sa sinabi ni Yuka kaya hindi makapaniwala ang mukha ni Charlie sa sinabi nito.

"Sige, aalis na nga kami at baka mas lalo kang bumuga ng apoy."

UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon