8

16K 425 66
                                    

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

MAHIRAP MAN PARA kay William na sandaling mawalay sa asawa ay kailangan niya ring magtrabaho para mabuhay ito. Malaki din ang bayad sa kanya sa gagawin niyang pelikula kasama ng mga holywood actors. Dagdag sa ipon niya para sa future nila ni Yuka.

Kinabukasan rin ay agad lumipad si William patungong los angeles. Naibilin naman niya sa lahat ng katiwala at kay Yaya Pen si Yuka. Hindi na siya nagpaalam rito dahil tulog pa ito at alam niya sa sarili na mahihirapan siyang umalis kapag umiyak ito.

Ngayon pa lang ay nami-miss na niya ito. Agad siyang tumawag sa mansion para lang alamin kung kamusta na ito.

"Naku, William, ayaw bumangon sa higaan. Inaantok pa daw siya at nahihilo."

Agad na nakaramdam ng pag-aalala si William sa binalita ni Yaya Pen.

"Pinatingin niyo na po ba sa doctor? Baka may sakit na naman siya, Yaya."

"Oo, tinawagan ko na ang anak ko.."

"Ho? Bakit si Geoff?" agad ay parang nais niyang umuwi.

"Hindi ko kasi ma-contact ang doctor ni Yuka. Kaya kesa hintayin pang sagutin ang tawag ay ang anak ko na lang ang tinawagan ko para kumunsulta."

Napahagod ng buhok si William. Nasa set na siya at malapit ng ayusan. Tumayo siya pero napatingin siya sa huminto sa harap niya. Napamaang siya ng makita ang hollywood actress na si Amanda Mayer.

"Hi. I heard you are William Dela Torre? The famous actor in scandal video."

Ngumiti ito at naglahad ng kamay. Napaka-sexy nito sa suot na simpleng jeans pants at blouse na kita halos ang kalahati ng dibdib. Blonde ang hair at maamo ang mukha.

"It was a misunderstanding video." aniya at tinanggap ang kamay nito.

Ngumiti ito at humalukipkip matapos nilang magkamay..

"So, are you ready for our scene?"

Hindi pa niya nababasa ang script niya kaya hindi niya alam ang sinasabi nito.

"I'm always ready." aniya.

Ngumiti ito lalo, "Okay. See you in bed."

Nagtaka siya sa sinabi nito pero tumalikod na ito kaya tumingin siya kay Charlie, pero ang ambang pagtatanong niya ay naudlot ng maalala na nasa kabilang linya pa si Yaya Pen.

"Yaya Pen."

"Mukhang busy ka William. 'Wag ka nang mag-alala at kami na ang bahala kay Yuka. Tatawagan na lang ulit kita kapag sinabi na ni Geoff ang resulta."

Napahinga siya ng malalim at walang magawa kundi ang ibaba ang tawag. Napahilamos siya ng mukha dahil nag-alala siya kay Yuka.

"William, basahin mo na at tandaan ang script mo. Malapit ka nang sumabak kasama si Amanda."

"Charlie, pwede bang mag-back out? Kailangan kong bumalik ng pilipinas." tinignan niya ito at inilingan siya.

"Nakapirma ka na, naalala mo? Kapag nag-back out tayo ay kakasuhan tayo."

"Edi magbayad tayo ng danyos, Charlie. Nag-alala ako kay Yuka dahil nahihilo daw."

"Naku, William, malay mo simpleng hilo lang 'yon? Tapos sasayangin mo ang opportunity na ito sa walang kasiguraduhan sa nararamdaman ni Yuka."

Napatayo siya, "Pero asawa ko 'yon. Hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala."

Napahinga ng malalim si Charlie, "Okay, naiintindihan ko. Maghanda ka na lang at ako na ang bahala makipag-usap sa laxamana para alamin ang lagay ng asawa mo. Sa ngayon ay kailangan mong mag-focus dito sa film dahil isa itong big break para sa 'yo. Mas lalo kang aangat. Kaya kalimutan mo muna si Yuka at mag-focus rito."

UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon