4

12.9K 369 33
                                    

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

NAPATITIG SI YUKA sa robot na si Riri na nakatayo sa gilid ng kama. Nakalumbaba siya na tinitignan ito. Nasa banyo pa si William na naliligo. Nahihiwagahan siya dahil ayaw nang gumalaw ni Riri. May ginawa si William para mangyari iyon. Napasimangot siya dahil hintayin daw niya ito matapos maligo bago niya pagalawin muli si Riri.

"Aha! Hihihi.."

Umalis siya sa pagkaka-indian sit sa kama at hinawakan niya si Riri. Medyo mabigat ito kaya nahirapan siyang buhatin ito para ihiga sa kama nila. Nang maihiga niya ay napapalakpak siya at excited na tinabihan si Riri. Kinuha niya rin si Lily at nilagay sa gilid naman niya. Napahagikhik siya na yumakap kay Riri. Napapikit na siya para matulog.

Napahinto naman sa paglapit sa kama si William ng makita na nakahiga sa kama nila Riri. Napatigil din tuloy siya sa pagpunas sa katawan habang natatakpan lamang ng tuwalya ang pang-ibabang parte ng katawan niya.

"Honey."

Ginising niya ito pero nakangiti na nakayakap lamang ito kay Riri kaya padabog na nilagay niya sa side table ang pinangpupunas na towel sa ulo. Kinuha niya si Riri kaya napadilat ang asawa niya.

"Waaah!! Bakit mo kuha si Riri? Balik mo siya!"

Agad na nakatayo ito sa kama at pinigil siya. Yakap na nito si Riri.

"Honey, saan ako matutulog kung ihihiga mo siya sa kama natin?"

"Kasya ka naman, e. Basta tabi ko si Riri."

"Ano? Paano ako kakasya, e, ang laki n'yan?" Tila nagkamali ata siya ng bili sa lintek na robot.

"Basta tabi kami Riri."

Inagaw nito sa kanya si Riri at muli hiniga sa higaan nila. Muling nahiga ang asawa niya at yumakap kay Riri. Hindi siya makapaniwala na napamaywang. Talagang siya pa ang nawalan ng higaan?

"Honey, gusto kitang katabi kaya ibaba na lang natin si Riri."

"Ayaw." tugon nito habang nakapikit at mas hinigpitan ang yakap kay Riri.

Gigil na gigil naman siya sa robot at kinuha ang remote nito. Pinagalaw niya ito kaya napabangon ito.

"Riri, go outside." utos niya.

"'Wag! Bad ka!"

Bumangon si Yuka kaya agad na pinigil niya ito. Hindi na niya ininda kung basa pa ang buhok niya at naka-towel lamang siya sa pang ibaba basta mapigilan lang ang asawa sa pagkagusto nito sa robot na handang ipagpalit siya.

"Bitaw! Gusto ko si Riri!"

"Hindi. Matutulog tayo na magkatabi."

Niyakap niya ito kaya nagpupumiglas ito. Pero hindi niya binitawan at pumikit siya.

"Inis na ako."

Natawa siya, "Talaga? Weh? 'Di nga?"

Sinabunutan siya nito kaya napangiwi siya at agad na pinigil ito. Binitawan niya ito kaya agad na babangon sana ito ng hulihin niya ang baywang nito at hinila muli pahiga. Dumagan siya rito kaya napatigil ito.

"Kapag hindi ka pa mahiga d'yan at matulog, hahalikan kita."

Napatakip ito sa mukha gamit ang mga kamay nito kaya napangisi siya. Hinalikan niya ang kamay nito at nahiga siya sa gilid nito bago niyakap muli ito.

"Tulog na, kundi hahalikan talaga kita d'yan." banta niya.

Hindi naman na 'to sumagot kaya hinintay niyang makatulog ito. Bumangon siya sa kama ng makatulog na ito. Nagpalit siya ng saplot at muling lumapit sa higaan. Ngunit napahinto siya ng makita na nakahiga na naman si Riri sa kama nito.

UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon