3

14.7K 406 15
                                    

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

MATAPOS ANG LAHAT ng preparation ay tumungo na sila sa dadausang awarding night. Ilang minuto lang tinagal ng byahe at agad silang nakarating sa KIA Theater kung saan gaganapin ang event.

Agad na nag-flash ang camera pagkababa pa lang niya. Inayos niya ang suit niya at saka niyuko si Yuka na nasa loob pa ng sasakyan. Kinuha niya ang kamay nito at inalalayan sa pagbaba.

Pagkababa pa lang ay agad na pinagkaguluhan sila. Kaya agad na humarang ang bodyguard na kinuha ni Charlie para sa kanila. Hinawakan niya sa baywang si Yuka na napatago ang mukha sa dibdib niya. Kaya hinawakan niya ito sa ulo para alalayan na sa paglalakad.

"Honey, tingin ka sa camera dali."

Tumingin ito sa kanya kaya tumango siya. Napatingin ito sa camera at ngumiti habang kinukuhanan sila ng photographer ng litrato. Agad na nagsumiksik ang mukha nito sa dibdib niya kaya napangiti siya at sinenyasan ang photographer na tama na.

Inakay na niya si Yuka papasok para makaupo na sila. Maraming artista ang nasa event. Magkaibang network na nagsama-sama sa gabing iyon.

Agad na nakakuha ng atensyon si William dahil sa agaw pansin nitong awra. Matangkad, moreno, at lahat ng magandang katangian ay na kay William na ata kaya lalong bumagay ang kulay gray na suit rito na tila modelo ng corporate attire na may halong pagka-classy.

Inggit ang namumutawi sa mga mata ng mga artistang babae na nagpapantasya sa isang William Dela Torre. Napaka-gentleman nito sa asawang si Yuka na ngayon lang din nila nakita.

Sa kabila ng kontrobesiyang nangyari kela William, hindi nabawasan no'n ang popularity nito, bagkus mas lalo pang naging in-demand ito at mas dumami ang fans na lalong humanga at kinilig sa love story nila ni Yuka. Ebidensya lang no'n ay ang pagkuha ng lihim ng mga paparazzi sa kanila ngayon. Dahil malaking scoop sa social media 'yon 'pag nagkataon.

Si William ang pinaka-famous sa lahat ng actor. Kaya naman ay hindi man alam ng mga tao pero maraming naiinggit rito sa kasikatang tinatamasa nito.

"Wow! Ang ganda dito, William. Daming ilaw at naka-gown din sila."

Tumango si William na nasa asawa lang ang buong atensyon magmula ng makaupo sila sa upuang nakalaan sa kanila. Katabi nila ang kanyang manager at team. Napapagitnaan sila ng mga ito.

"Nagustuhan mo dito?"

Ngumiti ito ng maluwag kaya napangiti siya habang titig na titig rito.

"Oo. Manonood ba tayo palabas? Ganito kita ko sa t.v nang manood sila Yaya."

Umiling siya at hinalikan ang kamay nito na hawak niya. May nagtilian naman na mga fans na lihim pa lang nakamasid sa lahat ng kilos ng dalawa---na mula ng malaman na ang iniibig ni William si Yuka ay naging fan na rin sila ng babae.

Napatingin naman si William sa mga nagtilian at nginitian ang mga ito na lalong kinadaundong ng hiyaw ng mga fans na nakakuha ng atensyon ng lahat.

"Kiss sa lips! Kiss sa lips!" hiyaw ng mga ito.

Umiling si William, "Sorry, sa bahay na lang. Mahiyain, e."

Natawa naman ang mga ito at naunawaan siya. Habang hindi naman mapuknat ang pagiging sweet ni William kay Yuka, ay inis na inis naman si Priyanka na nandoon din sa event at pinapanood ang dalawa. Sa kasawiang palad, mula ng maghiwalay sila ni William ay naging laos agad si Priyanka. Hindi matanggap ng babae na siya pa ang bumaba.

"Ang swerte naman niya. Ang crush nating si William, asawa na niya." sabi ni Emma Repsol, na isang actress at singer na hinahanga si William at pangarap na makatrabaho ang actor.

UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon