2

17K 420 17
                                    

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

KINABUKASAN AY PAREHONG nanlalata ang dalawa. Nagkagulatan pa sila ng sabay na magbukas ang mga mata dahil magkaharap sila. Nakabawi si William at tumingin sa orasan. Nakita niyang umaga na.

"Nakatulog tayo ng matagal."

Nilapag niya ang orasan sa side table at binalingan si Yuka.. Kinapa niya ang noo at leeg nito, pareho nang kanya. Naghikab ito at tumalikod sa kanya.

"Antok pa ako."

Alam niyang nilalagnat sila pareho kagabi. Mabuti at umayos na ang pakiramdam niya. Tinatamad pati siyang bumangon kaya yumakap siya kay Yuka mula sa likod habang natatabunan sila ng makapal na kumot.

"Ayos na ba pakiramdam mo, Honey?" bulong niya rito.

"Wala na akong init. Hindi na din ako lamig."

Napatango naman siya at hinalikan ito sa ulo bago pumikit.. Niyakap ng binti niya ang mga binti nito. Nasa gano'ng ayos sila ng bumukas ang pinto at pumasok si Pen at ilang kasambahay na may dalang pagkain para sa dalawa.

"Ayos na ba pakiramdam niyo?"

Lumingon si William kela Yaya Pen na hindi inaalis ang pagkakayakap kay Yuka.

"Ayos na ho."

"Kumain na kayo ng agad na lumakas kayo."

Tumango siya at tumingin kay Yuka na nakapikit at nakatulog muli.

"Mamaya na ho. Tulog pa si Yuka. Iwan niyo na lang po muna d'yan at mamaya ay gigisingin ko na siya."

Tumango si Pen at sinenyasan ang mga kasambahay na ilapag sa lamesa ang mga pagkain.

"O, sige, maiwan na namin kayo. Nag-iwan na rin ako ng gamot para lalong tumuloy ang paggaling niyo."

"Sige ho."

Bumangon siya ng kaunti para abutin ang remote. Nang makalabas sila Yaya Pen ay pinindot niya ang remote para isara ang kurtina. Nang dumilim na sa kwarto nila ay nilapag niya lang kung saan ang remote at muling yumakap kay Yuka para umidlip din sandali dahil nanlalata pa siya.

-

"GRABE MANANG PEN! Ang sweet naman ni Sir William kay Ma'am Yuka. Ayaw pa bumitaw-bitaw sa pagkakayakap."

Napangiti naman si Yaya Pen sa sinabi ng isang kasambahay na nakapansin sa pagiging sweet ni William sa alaga niya.

"Ganyan talaga kapag mag-asawa na. Ibig sabihin lamang ay maalaga sa asawa si William."

"Kaya nga po, e. Nakakainggit si Ma'am Yuka. Bukod sa yummy na si Sir William, sweet pa."

"Tingin niyo po may nangyari na sa kanila?" tanong ng bagong kasambahay na walang alam noon sa eskandalong kinasasangkutan ng dalawa dahil wala naman itong cellphone para mapanood iyon.

"Malamang! Ano ka ba, She." sagot ng isa na tinatago rin ang lihim ng nakaraan.

"Pero, paano kapag nabuntis si Ma'am Yuka?"

Napahinto naman doon si Pen at hindi naisip ang posibilidad na iyon.

"Magsitigil na kayo sa pag-usisa sa dalawa. Gawin niyo na lang ang trabaho niyo at mamaya ay tiyak na baba na ang dalawa."

Tumango naman ang dalawa at umalis. Naiwan naman si Pen na napapaisip. Paano nga kaya kapag nagbuntis si Yuka? Paano nito makakayanan iyon at maalagaan ang bata sa sitwasyon nito?

"Eduardo."

Pinuntahan niya si Eduardo na nagkakape sa labas ng bahay sa may garden.. Maganda na ang panahon at malamig ang klima buhat ng magdamag na pagkakaulan ng gabi.

UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon