''sino ka? Sino kayo?? Nasan ako''
nagulat ako sa sinabi nya!! Kinakabahan ako? Hindi kaya--- hindi kaya may amnesia nasya!!
"hindi moba kami nakikilala??''
''sino ba kayo? " napahawak sya sa ulo nya at hinimas himas.
Ito na nga ang kinatatakot ko!! Walang kaalam alam ang mommy nya dito!
P
''eva tumawag ka ng doctor!!!''''ok'' mabilis naman syang lumabas. Wala akong masabi ngayon.Napakatahimik namin.Wala na ang lahat ng alaala nya!!
Ang kinatatakot ko nangyari na
''sino kaba??'' nasasaktan ako sa tanong nyang sino ako!. Bakit ba sa lahat ako ang masasaktan. Ano bang sasabihin ko? Mbuti nalang dumating na si eva pati yung doctor.Marami pang chineck sa kanya saka nagsalita yung doctor.
"im sorry to say this.She have an amnesia!!'' mas lalo akong nasaktan sa sinabi ng doctor.Gusto kong magalit sa sarili ko dahil kasalanan kong lahat ng to.Nakaligtas nga kami sa sunog pero ganito naman ang pinalit.Sana ako nalang yung nasa kalagayan nya.
"doc anong gagawin natin??''
''maaring bumalik sa dati ang alaala nya kaso hindi sa ngayon, maaring matagal pa bago mangyari yon.Kailangan nya lang ng makakasama at gagabay sa kanya.Lalong kailan na may tutulong sa kanya para bumalik ang alaala nya! "
''doc ano bang dapat gawin!!''
''siguro dapat mo munang ipakilala ang sarili mo sa kanya bilang asawa mo!!sa ganung paraan madali mo syang mababantayan!!'' so meaning to say na magpapanggap akong asawa nya.
Hindi ko sya kayang lokohin .Pano kung bumalik lahat ng alaala nya ?? Oo mahal ko sya.Mahal ko parin sya pero di naman pwedeng magpanggap ako bilang asawa nya .Ano nalang ang sasabihin ng lahat."Sir clamp!!tama si doc!!!magpakilala kang asawa nya!!wag kang mag alala nandito ako para samahan ka!!'' tinapik tapik pa ni eva ang balikat ko.Di ha matutuloy ang plano namin!
Kaidy pov's
Nagising ako sa liwanag ng ilaw kwarto ko!!di ko alam kung nasan ako,walang akong matandaan!! May isang babae at lalaki ang pumasok.Niyakap agad nya ako ng mahigpit
'sino ka? Sino kayo?? Nasan ako''
"hindi moba kami nakikilala??''nagtataka nyang tanong.Eh sino nga bato?? Teka nga alalahanin ko
#think
#think
#think
''sino ba kayo? " tanong ko ulit.Napahawak ako sa ulo ko medyo sumasakit!! Bat wala akong maalala? Ano bang huling nangyari? Sino bako???
''eva tumawag ka ng doctor!!!''eva!? Parang familiar pero di ko matandaan..
''ok'' tumakbo na sya palabas
Wwwwaaaahhh sino bako????
Masyadong tahimik habang wala yung eva ata yun? Wala akong maalala talaga
''sino kaba??'' tanong ko sakanya para naman mabasag ang katahimikan.Di nya ko sinagot dahil pumasok nayung mga nurse at doctor.Lumapit agad sila sakin at maraming chineck.Ano bang nangyayari ngayon? Wala akong maalala sa mga nangyari
Lumayo sila at naiwan lang akong nakaupo.May kung ano silang pinaguusapan pero di ko malaman kung ano!! Ilang minuto din sila nagusap ng doctor. Sino ba sila?? Kaano ano koba sila? Bakit wala akong matandaan
* * *
Papunta kami sa kung ano mang lugar.Maraming pumapasok sa isipan ko pero wala akong maalala.Lagi io lang hinahawakan ang ulo ko.Kanina kopa sila kasama pero di ko parin sila kilala kung sino.At isa pa bat di ko matandaan ang pangalan ko? Sino bako?? Ano bang nagyari sakin?? Ang huli ko lang natandaan eh yung... Wala talaga akong matandaan kahit simula pagkabata ko di ko matandaan.Para bakong pinanganak ulit na inosente at walang kaalam alam!!
BINABASA MO ANG
The Nerd Maid
RomancePano kung yung magiging maid mo is di mo totally kilala, and you always feeling wierd because shes nerd. ''The Nerd Maid''. Pano kung yung maid mo is Kalaban mo pala Sa pinapatakbo mong business. Your the boss and she's your maid.Marami kang di ala...