Sa Jeepney

1.1K 14 1
                                    

Sa Jeep
Kung san ako'y laging naiinip
Nakita ka at ngayo'y nais kang makamit
At pangalan mo ngayo'y lagi nang sambit.

Tila ba nahihibang
Lagi na ako sayong nakaabang
At pag ikaw nama'y nariyan
Puso'y puno ng kaligayahan.

Pag-ibig na di ko inasahan
Kay bilis at ika'y di ko na matakasan
Lagi kang nasa puso at isip
Pinapangarap na makasabay ka sa Jeep.

Umaasang isang araw ika'y makamit
At pag-ibig mo'y aking masungkit
“paabot naman ng bayad” pamasahe ko lang,
Papunta sa puso mong di ko alam kung san ang daan.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon