Panibagong umaga
Ng Wala ka sinta,
Mga mata ko'y patuloy ang luha
Ngunit di mo ito alintana.Parang kailan lang,
Sakin ka lang kinikilig
Parang kailan, ikaw saki'y umiibig
Parang kahapon lang ako'y iyong bukambibig.Pero ngayon iba na ang may dulot ng iyong mga ngiti,
Iba na ang sayo'y nagpapakilig,
Noon Boses ko ang sayo'y nagpapahimbing
Ngunit ngayon, iba na iyong nilalambing.Iniiwas ko ang tingin
Dahil di kaya ng damdamin
Nais kong mabingi
Para di na ako marinig.Nang di ko marinig,
Na sya na ang iyong ibig
Nadudurog ako
Pero batid kong nagkulang ako.Nadudurog man ako
At kahit paulit-ulit na madurog ako
Inaamin ko sa sarili ko
Na nagkulang ako.Na hinayaan kong bumitaw ka sa akin
Masakit mang isipin
Alam ko na, Alam ko na...
Di ka na muli pang magiging akin.
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryThis is a compilation of my poems that I posted in my Minny Lee account on Facebook, unfortunately I already deleted my Facebook account so here's my poems. Hope you'll like it :D