Katha

207 6 0
                                    

Nais kong masdan ang mukha mo
Magpakita ka sa panaginip ko,
Nang maranasan ang yakap mo
At matikman ang halik mo.

Hiling ko lang ay makita ka
At makausap ka
Hindi bilang ilusyon
At hindi bilang imahinasyon.

Nais kitang mahawakan at maabot
Pero bakit tadhana ay napakadamot?
Ba't pa kita nakilala kung di Ka makikita?
Kailan ko na matatanggap na ika'y isa lamang katha?

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon