Chapter 1

3 0 0
                                    

"Good morning self,hays panibagong araw na naman,"turan ni Ishie sa sarili.

"Teka anong araw nga ba ngayun? Wala ba akong lakad? Hmm,"habang nag-iisip siya tumunog yung phone niya. Mabilis niya itong kinuha at sinagot yung tawag.

"Hello Ma'am Debs,anong maipaglilingkod ko sa inyo,"natatawa niyang sagot dito.

"Ishie,hindi Debs pangalan ko,hindi ako gurang noh,"sagot naman nito.

"Eh,kasi naman,magkatulad kayu ng personality ,Amy eh,masisisi mo ba ako ,"nagdadrama niyang sagot.

"Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo ,Ishie. May favor ako sa iyo,umo-o ka muna,"natatawang sabi ni Amy.

"Ay,pusang gala,ba't o-oo na agad? Ano ba yan,siguraduhin mo lang na kaya ko yan huh. Naku,talaga lang Amy,si baby Andrew talaga yung ibabayad mo sakin. Cute naman yun,kamukha kami,kaya nga love na love ako nun eh,"pananakot niyang sagot dito.

"Hay naku,Ishie,tinakot pa ako kala mo naman madadala ako. Speaking of my baby cutie pie Andrew,pwede bang ikaw muna magbantay sa kanya ng isang linggo. Pretty please,mag-a-out of town kasi kami ni Josh,alam mo na,couple tsaka wala ka nun kaya kay baby ka muna,pwede ba yun?,"nakangising sambit ni Amy sa phone. Alam niya kasing nainis niya yung kaibigan niya. One point.

"Uy,dalhin niyo yan ,anak niyo yan. Ano ako,baby sitter? Uy,manigas ka dyan,kala mo huh,"inis na inis na siya sa kaibigan. Binanggit pa kasing wala siyang jowa. Kasalanan bang maging single. Bahala sila,hindi ako magbabantay.

"Ito naman,sige na. Diba love na love mo si baby cutie pie Andrew,hmm,sige na naman Ishie,ngayon lang ulit kami magso-solo ni Josh eh,payag kana. Sige na,bibilhan naman kita ng pasalubong eh. Ano ba gusto mo,name it,"pamba-brive ni Amy rito. Alam niya kasing inis na ito,kailangan niyang suhulan. Naku pag di pumayag tong babaeng to,postpone talaga ang byahe papuntang Boracay.  First time pa naman niyang maka punta do'n. Lagi kasing busy.

"Aga-aga mong mambulabog tapos gaganyanin mo ako. Aray ko naman Amy, kaibigan ba talaga kita? Teka at saan ba kayo,mag lalakwatsa,sayang yung pera,ikain nalng kaya natin yan sa Mang Inasal. Unli rice pa doon,wag na kayong umalis,"nang-iinis din siya. Malakas ata yung convincing power niya. Naka-leave kasi siya ng isang linggo sa pagigig cashier sa malapit na Mall sa kanila. Yun sanang pag-beau-beauty rest niya,nauwi lang sa pagbabantay. Sa katunayan,miss na niya yung inaanak niya,pinapahaba niya lang yung usapan. Matagal-tagal na din nung huling pag-uusap nila ng besty niya. Heto't iniinis niya.

"Ishie naman,wag ka namang ganyan. Please,ngayon lang to,promise sasama kana sa next out of town namin. Okay ba yon,"may bahid na lungkot na sabi ni Amy dito.

"Sige na sige na,miss ko na din si baby Drew eh. Kailan ba kayo aalis? Tsaka ,right timing ka talaga lagi Amy,naka on-leave ako ngayon. Swerte mong loka-loka ka," pagpayag niya rito. Hindi niya matiis ehh.

"Maraming salamat ,Ishie. Bukas na bukas din alis namin,dadalhin ko mamayang hapon si baby. Hayaan mo magdadala ako ng buhangin galing Bora,tsaka bibilhan na din kita ng lucky charm. Baka magka-boyfriend kana,sayang lahi mo besty eh,"pambabara niya rito.

"Gusto mong di na kita ituring na kaibigan? Naku,oh sige na,dalhin mo dito,kumpletohin mo yung gamit niya huh. Wag mo akong pahirapan,"maktol niya rito.

"Sige,Ishie ,dadalhin ko dyan. Kukumpletohin ko,baka di na kumpleto si baby pagbalik ko,"natatawa niyang sagot rito.

"Ayan,tama lang,sige na sige na,ako'y hahayo na't nagtatalak na si mudra. Anong oras na oh,babye na. Ingat kayo sa byahe mamaya,"pagpapaalam niya rito.

"Salamat Ishie,you're an angel sent from above. Babye. Baba ko na ito,"enend call na ni Amy yung tawag.

"Babaitang to,pasalamat siya,"sabay baba sa kama niya't dumeritso sa banyo at ginawa ang mga ritual niyang pampaganda.

A Day with A StrangerWhere stories live. Discover now