Pangatlong araw na ngayon ni baby dito sa bahay pero hanggang sa oras na ito di man lang nagpaparamdam ang magaling nitong ina. Anong balak niyang gawin. Ipaampon sakin tong anak niya?
Sa bagay,magkamukha naman kami.
Okay lang na walang tatay. Bubuhayin ko naman si baby eh,ibibigay ko lahat ng gusto niya. Ganun ako kabait.(Hoy,babae,gumising ka sa katotohanang wala ka talagang pag-asang magka-jowa. Kaya wag kang mangarap dyan.)
Panira ka nalang lagi self,haystt.
"Uwaaa-uwaaaa-uwaaaa,"iyak ni baby Andrew.
"Naku,baby Drew,what happened. Shhh,"naghu-hum siya habang karga niya ito.
Hindi pa din tumitigil sa kakaiyak si baby. Kahit anong gawin niyang sayaw ayaw pa din. Ayaw naman din dumede.
"Baby naman eh,tahan na kasi,naiiyak na ako pati,"pakikipag-usap niya kay baby.
(Ngayon mo sabihing kaya mong alagaan si baby Drew)
Panira talaga lagi tong inner self na 'to.
"Ishie,ano ba yan. Akin na nga muna ang bata. Oh,kaya pala,okay na baby,hmmmm,"pagaalo ng nanay ni Ishie.
"Kaya pala umiiyak kasi kinakabag. Wala kanang pag-asang magka-boyfriend anak,"pang-aasar ng nanay niya."Anong connect nay? Tsaka wala akong plano,alam mo namang ayoko sa mga lalaki. Allergic ako,"pagrereklamo niya.
"Ishie,ilang taon kana ba? Aba,hindi kana bumabata. Kailangan mo rin ng makakasama sa pagtanda. Hindi naman ako laging nasa tabi mo,"madramang saad ni Aling Beth sa anak.
Simula kasi nung nalaman ni Ishie na inabandona lang pala sila ng kanyang ama nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki.Para bang may galit siya sa lahat ng Adan sa buong mundo. Akala nga nila magiging tomboy ito kasi si Amy lang yong kaibigan nito.
"Nay,alam ko naman po iyon kaso ayoko po talaga. Andyan naman kayo eh,sila Amy. Marami akong makakasama,Nay. Wag kang mag-alala,"pangungumbinsi niya rito.
"Hay naku ang nanay ko talaga naging madrama na naman po siya,"paglalambing niya."Sos,kundi ka lang mana sa'kin eh,"balik na sabi nito sa kanya.
"Akin na muna si baby Nay,ilalagay ko lang sa crib niya. Hay naku,hindi man lang tumatawag ang nanay nito,"habang nilalaro niya ang mga malilit na daliri ni baby napapaisip siya tungkol sa napag-usapan nila ng nanay niya.
Oo nga't marami-rami din naman nanliligaw sa kanya noong high school. Abot nga hanggang Paris yong haba ng buhok niya noon eh. (Joke lang ,okay lng maniwala kayo,haha)
Hindi lang talaga niya magawang sagutin. Ewan ba niya,napakahirap para sa kanyang magtiwala lalo na sa mga lalaki.Lalo na pag naaalala niya yong ginawa ng hinayupak niyang tatay. Walang bayag. Iresponsable. Walang paninindigan.
Kaya ayoko talagang magtiwala sa mga lalaki. Kay Amy nga ,nag ala ninja turtle ako kaka investigate kay Josh kung mabuting lalaki ba yun.
Tamang imbestiga lang hanggang sa nahabol ako ng 3 aso at napasok sa isang drum ng basura.
Nakakatawa isipin pero nagawa ko yon. Para sa taong mahalaga sakin. Nalaman ko naman na pwedeng pagkatiwalaan si Josh kay Amy kaya nag-approve na akong maging sila talaga.Heto ako ngayon,pinapalibutan ng mga taong gustung-gusto na nilang magkaroon ako ng boyfriend. Mga atat.
YOU ARE READING
A Day with A Stranger
عشوائيIshie Delgado, isang napaka simpleng babae. NBSB kung ituring ng kanyang kaibigan. Masunurin at maaalalahanin sa mga taong nagmamahal sa kanya. Ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay magugulo dahil sa isang lalaking estranghero. Matitibag ang prins...