Andito kami ngayun ni baby Andrew sa labas ng bahay,pinapainitan ko. Alas 6 pa naman eh. Ito ba naman kasing si Amy,feeling dalaga. Ay naku,ang hirap mag-alaga ng bata. Buti hindi ito breastfeed kundi patay ako,wala akong gatas anong ipapainum ko sa batang ito pag nagkataon.
Yung pinagkuluan ng bigas,kawawa naman itong inaanak ko. O di kaya'y asukal lagyan ko lang ng mainit na tubig. Ay nababaliw na ako,ayoko na atang magka-anak.
Bukod sa mahirap na magbuntis masakit din daw pag nanganak na. Lalo na pag lumabas. Dyaski,dede ng dede,di kana makakaligo ng maayos kasi uunahin pa yung bata. Asawa mo aasikasuhin mo rin.Papangit ako nito,mawawala sexy figure ko.
(Tumigil ka wala kang ka kurba-kurbang loka-loka ka)
Panira moment naman si self eh,alam ko yon,nagdadrama lang ako."Ishieeeeeeeeeeeeee,"sigaw ng mudra dear ko.
"Yes,mother? What's with the loud voice?,"tanong ko kay mama ng pumasok kami ni baby sa loob ng bahay. Mainit na kasi eh. Masakit na sa balat ni baby. Naku baka magka sunburn ito.
Tama bibilhan ko nalang siya ng sunblock. Ay naku,nakakabaliw magkababy."Tigil-tigilan mo english mo,anak. Di maganda sa pandinig,tsaka padedehin mo na yan. Gutom na yan,timplahan mo muna. Tsaka paliguan mo at ako'y aalis ,may pupuntahan lang akong kaibigan," sunod-sunod na sabi nito sa kanya. "Kumain kana din,patulugin mo yan pagkatapos maligo tsaka maligo kana din amoy gatas kana. Di kana dalaga sa lagay na yan," pahabol pa nito habang papalabas ng bahay.
"Si nanay talaga,alam na alam talaga kung paano ako inisin. Kasalanan ko bang natapunan ako ng gatas kagabi,kasi naman umiiyak na si baby. Alangan namang mag pitiks ako sa galaw ko. Baka makabulahaw ako ng kapitbahay. Halika na nga baby papaliguan muna kita mamaya kana uminom ng gatas mo. Para tutulog ka nalang pagkatapos mo uminom,"pagsasalita niya sa sarili.
Habang pinapaliguan niya ang bata naglalakbay yong utak niya kung saan-saan.
Paano kaya kung di na ako magka jowa. Eh di walang problema,single is free.
Sarap maging single pero bakit nakaka inggit yong mga couple pag nakikita ko.
Masarap kaya ang ganun?
Di bale nalang,bahala na nga.Tapos na niyang paliguan si baby,binihisan niya't pinadede. Mabilis lang palang matulog ang bata pag busog. Sana ganito nalang din ajg lahat ano,yong kakain lang tapos tutulog. Walang problema. Walang stress. Walang asungot. Hayy,pwede bang ibalik ko ako sa pagiging baby,Lord?
(Di kana magkakasya,mahiya ka naman sa nanay mo.)
Tsee,panira talaga kahit kailan.Pagkatulog ni baby,naligo na ako't kumain para naman mag amoy tao ako.
Ang baho ko na,kaya pala nasabi yon ni mudra.
YOU ARE READING
A Day with A Stranger
RandomIshie Delgado, isang napaka simpleng babae. NBSB kung ituring ng kanyang kaibigan. Masunurin at maaalalahanin sa mga taong nagmamahal sa kanya. Ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay magugulo dahil sa isang lalaking estranghero. Matitibag ang prins...