Prologue

1.3K 12 0
                                    

Reign's POV

Name: Nicolite Future Salvador
Age:20
May 05 1999-December 22 2019
Time of death: 12:51 a.m

REST IN PEACE

Yan ang nakalagay sa karatulang nasa harap ng gate ng pamilya Salvador. Nakakaagaw ito ng pansin dahil sa angking kagandahan ng babaeng nasa Karatula. Iyakan at pagdudusa ang naririnig sa loob ng bahay kung may papasok. Pero binatang lalaki ang nakaagaw ng pansin sa lahat.

Si  Jasper Klein Panello

Maraming nagsasabi na simula ng maburol si Nicole ay hindi na siya umalis.

"Nung Sabado pa yan si Klein dito"

"Hindi pa yan umuuwi simula nang maburol si Nicole"

"Ayaw nga niyang umalis ehh. Hindi daw siya aalis sa tabi ni Nicole"

Ilan lang yan sa mga sabi sabi nang mga tao tungkol kay Klein. Pero alam kong may dahilan lung bakit siya hindi umaalis sa tabi ng Coffin ni Nicole. At aalamin ko yun, para sa Best Friend ko

Lumapit ako kay Klein at naglakas loob na magtanong kahit ang usap usapan ay hindi ito sumasagot sa mga tanong ayon sa sabi sabi

"Klein" tawag ko pero hindi niya ako tiningnan, hindi niya maalis ang tingin niya sa mukha ni Nicole na payapang nakahiga sa Coffin "Uhhmm.. Kaano ano mo si Nicole" natigilan siya ng banggitin ko ang pangalan ni nicole

Kitang kita ko ang pagbuo ng luha sa gilid ng mata niya. Nagalinlangan ako kong ipagpapatuloy ko pa bang magtanong sa kanya dahil sa luha niya na bumagsak na.

"Hindi na mahalaga kong kaano ano ko siya, basta alam kong mahal namin ang isa't isa" sagot niya ng nakangiti kahit na patuloy sa pagbagsak ang mga luha nya

Nabigla ako sa simabi niya, dahil ang sabi sakin ni Nicole ay wala siyang oras magmahal

"Best friend ko si Nicole at wala siyang nabanggit na karelasyon niy---"

"Hindi naging kami" sagot niya na nagpatigil sakin

"Pero sabi mo mahal niyo ang isat isa?"  taka akong napatingin kay Nicole sa coffin

Bahagya siyang natawa sa tanong ko "Sasagutin na sana niy ako kong di lang siya nawala" mapait na sagot niya

"Huh?"

"Niligawan ko siya pero may sakit siya. At sasagutin na sana niya ako pero inatake siya habang magkasama kami"

"Anong date kayo nag meet?"tanong ko dahil ako ang nagbabantay sa kanya maliban kay Nurse Leila.

"Hindi ko alam kong anong eksaktong araw......" ay sayang "pero alam ko kung anong oras"

Napatingin ako sa kanya

"12:51, at The month of december afternoon..... Pero 12:51 din siya kinuha sakin"tumigil siya "12:51 we met,12:51 she gone"

In 12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon