Chapter 2: Postulate Vs theorem

65 0 0
                                    

Nickii's POV:

Nakahalukipkip akong nakatingin sa harapan, habang pilit kong nilalabanan ang antok ko.  If only i could, I will consider not attending in this class anymore. Kung 'di ko lang talaga kailangan ng grade hindi nalang ako papasok sa mainit at magulong klase na ito. Sobrang nakakairita na ang kaingayan  at pagpapansin ng mga kaklase ko na tila kulang sa aruga. Di ba sila napapagod sa kakasalita at sa kaingayan nila? Maybe nabingi na sila sa sarili nilang mga bunganga. Kaya hindi na nila alam, ang salitang katahimikan.
Alam ko naman na wala akong magagawa para patahimikin ang mga taong 'to.

Kaya ako nalang ang mag-adjust kahiya naman sa kanila, kung patatahimikin ko pa sila. I grab my phone in my bag and turned the music on, at nakinig nalang ako ng instrumental piece ni Yiruma, suot ang head phone ko habang nakapikit. Wala akong pakialam kung may lalaking nagtuturo sa harapan. This make me relax somehow. Yiruma's music is really fascinating and calm and for a moment, tila nakatakas ako sa mental hospital kinasadlakan ko, I forgot school nga pala ito.  Ngunit ang kaninang kalmado at payapa kong buhay ay biglang nasira, nang bigla nalang hinablot ng bwiset na lalaking ito ang selpon ko. Tinignan ko ito ng masama lalo na ng walang ingat niyang binitawan ang cp ko sa table niya, mas lalo pa akong naasar ng bigyan ako nito ng nakakabwiset niyang ngiti. Inis ko nalang binaling ang sarili ko sa katabi ko na humagikgik na tila kinikiliti ng sampung demonyo. Sa huli inis kong dinukdok ang mukha ko sa armchair, 'di alintana ang tinginan at bulungan ng mga peste kong kaklase na walang matinong magawa sa buhay. At hindi pa nakuntento ang iba na lantaran na nagtsismisan at nagtanungan kung anong nangyare, lalo na yung mga walang malay sa likuran.

"Kung ayaw niyong makinig sa klase ko the door is widely open. No one needs you here anyway."

Kalmadong sabi nito sa klase, pero alam ko para sakin naman talaga ang sinasabi niyang yon.

Walang nangahas na kumilos at nagsalita sa mga kaklase ko.
After ng ilang oras na katahimikan, nagpatuloy ito sa pag-discuss na tila di alintana ang tensyon kanina.

Madali naman niyang napagaan ang atmosphere sa klase, kaya balik na naman ang mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang ginagawa.

No wonder.
Halos lahat nalang ata ng nakadaupang palad ng lalaking ito nahulog sa karismang pinagmamalaki nito sakin. Xandro is such a great speaker bukod sa meron siyang magandang boses, he also have the ability to bring the people in different places gamit lang ang matalinong pananalita niya. May authority at sense of humor at the same time. Kaya nga halos lahat namamangha sa kanya. Pero minsan, dahil din sa paraan ng pakikipagusap niya lalong-lalo na sa mga babae, madalas nga siyang napagkakamalang playboy. Hindi ko naman ikakaila yon kasi bolero naman talaga ang lalaking ito at pa fall pero hindi siya playboy, dahil never pang nagkaroon ng kasintahan ang lalaking ito.

Walang nakalusot na sinumang tao dito na hindi niya binola, at binigyan ng mga pamatay niyang banat na nakakasuka. Idadag mo pa ang nakakamatay niyang ngiti. Dahil dito hindi lang student, kundi pati na rin yung mga co-teachers niya ay lantarang nagbibigay ng motibo sa lalaking ito.

Ewan ko ba bakit naasar ako pag may mga mahaharot na lapit ng lapit sa kanya? Ano bang paki ko sa kanila?

Napangalumbaba nalang akong tumingin sa harap ng klase, at talagang pinakita ko sa kanya na bored na bored ako sa subject niya. This school is a place of learning not a place for flirting. Pero dahil sa lalaking ito naging lugar ng kalandian ang eskwelahang pinapasukan ko.

"By the way may bago kayong classmate na darating"

Nakangiting turan nito sa klase.
Napairap ako ng ngitian ako nito ng nakakaloko. I know that kind of smile, may plano na naman ang bwiset na lalaking ito.

"Ms. Levesque"

Bwiset talaga.

"Ikaw na ang bahalang mag tour sa kanya dito sa school. And also I-discuss mo na rin sa kanya ang policies ng school, and yung mga basic stuff pati yung mga building and everything."

90 DegreesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon