Chapter 9: 180 Degrees II

24 0 0
                                    

-it is impossible to draw a triangle if 1 of any of its side is greater than the sum of the other two side-

Nickii POV:

"Ang Selpon ko Huhu"

Parang batang ngawa ni Jane sa amin, halos itapon na niya ang laman ng bag niya, na wala naman talagang importanteng laman ngunit 'di parin niya mahanap ang pakay niya.

Nandito kami ngayon tatlo sa labas ng McDo, upang tignan at hanapin ang nawawalang cp ng butihing naming kaibigan na tawagin nalang natin sa pangalang Jane.

"San Mo ba nilagay? Tara hanapin natin."

Iritableng sabi ni Ayen.

Napakaburara naman kasi talaga ng taong ito eh.
Kung mahalaga talaga sa kanya ang cp niya edi itabi niya para hindi mawala. Iyan tuloy para siyang kawawang batang, kinulang sa aruga sa itsura niya ngayon.

We are here at the mall, dahil pinagbigyan ko lang ang dalawang 'to sa gusto nila. Pero hindi ko inexpect na yung bonding sana naming tatlo, nauwi sa ganito.

Its Saturday night dapat sa mga oras na ito nagpapahinga na ako. But Here I am right now looking for jane's phone. Badtrip diba.

"Tawagan mo kaya"

Suhesyon ko sa dalawa.
Sabay bigay ko sa cp ko ngunit hindi pa man naabot ni ayen ang cp ko, ng bigla nalang nag pop up ang pamumukha ni Jane sa phone ko.

Mabilis ko naman itong sinagot. At inabot ito kay ayen, sila na ang bahalang mag-usap diyan.

After nilang mag usap. Humarap sa'kin si ayen, pagkatapos binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.
Umirap lang ako sa kawierduhan ng babaeng ito.

And after that she ask me about the play ground, na malapit daw sa bahay namin.

"Si Luhanne?"

I don't want to assume but why in all places. Bakit sa lugar na iyon? Bakit sa bahay ko mismo?


Tumango si ayen tanong ko.

Kaya napasimangot ako.

Habang siya naman may nakaguhit na nakakalokong ngiti sa mukha niya. Samantalang clueless naman nakatingin sa amin Jane. Okey I get it already.

I just shrug and nagpatiuna ako sa paglalakad sa kanila, kahit na deep inside may something na nagyayari sa system ko knowing na si Luhanne 'yon.

Naalala ko when He ask me if I like him too. Muntikan ko ng sinabi non na yes, buti nalang mas pinangunahan ako ng isip ko. There is a 0 percent chance kasi na maging magkaibigan ulit ang dating magkasintaan. And at the same time hindi kami kailanman magiging compatible ni Luhanne for each other.

For I only want to keep every person I met not in my heart but in my life. Ayokong bigyan ng tsansa ang sinuman na saktan ulit ako even my friends, my family, and luhanne is not an exemption to them. At ayoko rin na mapahamak sila kung patuloy silang mapapalapit sa akin.

When we arrive at the play ground namataan namin si luhanne kasama ang kuya ko na nakaupo sa dalawang swing. Napasimangot ako pero mas malala ang reaksyon ng isa. Na kulang nalang magala Incredible hulk sa mga malulutong na mura niya, pagkakita palang niya sa kuya ko.

90 DegreesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon