Chapter 7: Convex or concave

28 0 0
                                    

-all diagonals are inside the plane-
(Convex)

-not all diagonals lies inside the the plane-
(Concave)

-A line segment that connects a non adjacent vertices on a plane-
(Diagonal)

After class magkakasabay kaming nag-lunch nina ayen na kumain sa cafeteria, pagpasok pa lang namin tila ang maingay na kapaligiran ay tumahimik at ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa pwesto namin. Umorder kami ng pagkain at umupo at nagsimulang kumain pero bago iyon pinigilan kami ni luhanne at umusal siya ng panalangin.

Habang kumakain hindi ko maiwasang maasar sa dalawang tila walang alam sa salitang katahimikan. Si luhanne na nahahawaan na ng kapilyuhan at kaingayan ni Jan, nakakairita.

Ayaw ko man makita at makinig, i don't have choice sa harapan ko sila nakapwesto, but weather i like it or not, kahit ayaw ko makikita ko parin ang kalandian nila.

And all I can do is to torture them inside my head. kung maka akbay itong si luhanne parang wala ng bukas, kumustahin mo naman ang malaking ngiti ni daldalita na kulang nalang mapunit sa kakatawa nito.

I hate to admit it pero bagay silang magsama, mga tanga.

After lunch, dumeretso ako sa library para kahit papano magkaroon ako ng peace ang aking isipan. At makalimutan ko yung sight na iyon.

Naasar talaga ako.

Bwiset na lalaking iyon. Napakasinungaling niya, Sasabihin na mahal ka ta's isang rejection mo lang maghahanap na ng iba. Love, Tss. Napaka walang kwentang ilusyon kaya ayokong magpatangay sa bwiset na pagibig na iyan eh.

Napatingin ako sa libro na hawak ko ngayon pero hindi ko naman binabasa. Ang tahimik talaga sa lugar na ito at ang lamig pa sa ng loob. Mula dito malinaw Kong nakikita ang tanawin sa labas, napatingin ako sa relo ko at napansin ang oras. May class na pala kami, pero parang tinatamad akong pumasok. Kinuha ko ang cp ko at headphone ko and nag-play ng instrumental piece until I fell asleep.

Napamulat at mapatingin sa labas halos balutin na ng kadiliman ang kalangitan. Napatingin ako sa relo ko at nakita na almost 2 hours pala akong nakatulog napahikab pa ako at naginat-inat.  Halos atakihin ako sa puso ng bumungad sakin ang pagmumukha ni xandro na tumatawa ngayon ng mahina sa harapan ko. Remind me again na teacher itong kasama ko ngayon at hindi student, kundi sasapakin ko talaga ang pagmumukha niya.

"Sarap ng hilik natin huh."

Nakangiting sabi nito sa akin.

"What are you doing here, diba dapat nasa class ka ngayon?"

Taas kilay na sabi ko dito.

"It is I, who should ask you that Miss Levesque. Bakit hindi ka pumasok kanina? Pasalamat ka ako ang nakakita sayo dito."

Parang batang sabi nito sakin.

Napansin ko ang mga estudyanteng kanina pa nakatingin sa amin ni Xandro.
Alam ko yung mga ganyang tinginan eh.

Panghuhusga.

"Alam mo sir, ang mabuti pa layuan mo nalang ako. Ma-issue pa tayo dito eh."

Malamig na sabi ko sa g nililigpit ko ang mga gamit ko. I was about to go, nang hawakan nito ang wrist ko. Tinabig ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

90 DegreesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon