Chapter 1: Point, Line , And Plane

72 1 0
                                    

Nickii POV:

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa harapan at tamad kong dinukdok ang mukha ko sa desk.
First subject palang pero parang gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Kung 'di lang mahalaga ang attendance sa klase hindi na'ko magsasayang ng oras para pumasok sa walang kwentang lugar na ito.

What's the use anyway, why do we need to study this matter over and over again? Walang gana akong tumingin sa harapan at napahikab pa ako sa sobrang pagkainip.

Geometry na so it means makikita ko na naman siya. Naging habit na niya na pagpasok palang ng klase lagi siyang nakatingin sa pwesto ko at binigyan niya ako ng napakatamis niyang ngiti na akala tuloy ng feelingerang katabi ko siya ang nginingitian ng nilalang na ito.

Pagpasok palang niya klase, imbes na tumahimik ang mga kaklase ko, mas lalong umingay ang mga 'to na tila sinapian ng mga masasamang demonyo. At 'di pa sila nakuntento ang ilan naming kaklaseng babae na kulang nalang ibenta ang sarili sa kanya. Napapangiwi nalang ako sa kaingayan nila parang mga takas sa mental 'tong mga taong ito mas malala pa sila sa mga abnormal na tao eh. Ang iba naman na walang magawa ay sumabay pa sa mga sumisigaw ng mga walang kwentang salita like, "Pahinga nalang daw muna kami at wag na muna kaming maglesson."

Edi sana 'di nalang nila inabala ang sarili nila sa pagpasok kung ayaw din naman nilang mag-aral. Konting problema ginagawang komplikado. Atsaka hindi naman sila kaylangan sa eskwelahang ito.

Napairap ako sa mukha ng lalaking ito ng makita ko ang nakakabwiset niyang ngiti.
Halata naman kasi sa mukha niya na gusto niya yung atensyon na binibigay sa kanya ng mga taong nakakilala sa kanya.

Lagi niya kaming inuumpisahan ng mga walang kwenta niyang banat. Minsan di ko alam kung may pinapatamaan ba siya o paraan lang niya to para makuha ang atensyon naming mga student niya. Sakin?

Kase  sa bawat salitang sinasabi niya, lagi niya akong tinignan at pag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ngumisi ito na tila nangaasar sakin kaya ko siya iniirapan. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking ito. Bakit ba niya ako laging nginingitian? 'Di ba niya nakikita na ayaw ko sa kanya lalo na sa mukha niya. Yung buhok niya na napakagulo at ngiti niyang nakakaloko, akala ng mga kaklase ko kagalang-galang ang taong 'to pero ang totoo tulad nila wala din itong utak. Hindi naman siya gwapo eh. Paano ko nasabi? Anong maganda sa lalaking may medyo singkit na mga mata ,may matangos na ilong, maliit at makinis na mukha, may nunal sa may side ng kanang mata, malaki ang pangangatawan, at laging nagsusuot ng teacher uniform sa klase na bumabagay sa built ng katawan niya, moreno at matangkad na lalaki. Mga bulag ba itong mga 'to eh.

"Not every word has meaning , sometimes we tend to look for something that is actually meaningless."

Panimula niya sa unang lesson na tatalakayin namin. Akala Mo naman interesante ang sinasabi niya sa klase. Kumuha nalang ako ng papel at nagdrawing ng kung ano-ano para di lang ako makatulog sa klase niya.

Hindi ako makapaniwala na matanda lang ng halos dalawang taong ang teacher namin sa asignaturang ito. Pero kahit ganon ang laki ng respeto sa kanya ng mga kaklase ko which is new kahit na madalas nagiging maingay ang klase pag siya na ang nagtuturo.
Kasalanan din naman niya ito kasi hindi niya pinagsasabihan ang mga kaklase kong may malalaking bunganga. Nagagawa naman niyang gawing  interesante ang bawat oras niya sa klase. 'Yun lang sakin hindi.

'Lagi niyang sinasabi that learning is not fun but it is the teacher's duty to make it fun and interesting. Yan ang prinsipyo niya parang buhay na akala mo mahalaga pero ang totoo nagkakaroon lang ito ng halaga oras na malaman mo ang tunay na kahulugan nito. Lumilipad na naman ang isip ko kung saan mabuti na din ang ganito kesa makinig ako sa boring na subject na ito. Hindi naman ako mahina sa math kahit di naman ako pumasok confident ako na makakapasa ako, It's just that paulit-ulit nalang kasi itunuturo yan sa amin. Tapos may mga kaklase pa ako na kaylangan pang turuan ng paulit-ulit para lang ma gets nila ang isang item.

90 DegreesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon