Chapter 8: 180 degrees

28 0 0
                                    

-Total measurement of the angles of a triangle

-it is done when two angles form a straight line.

I have to deal with it.

Yan ang lagi ko kong sinasabi sa sarili ko, just to cheer myself up.

Andaming tumatakbo sa isip ko habang mag-isa akong naglalakad sa hallway. Everyone are busy on their own company, may iba naman na as usual pinupukawan ako ang kakaibang tingin.

Iba-iba ang nakikita kong ekspression mga mukha nila, yun ang bagay na wala ako na meron sila.

I took a deep breath, before I enter the class na as usual napakaingay, naglakad ako patungo sa upuan sa likuran t maingat kong binitawan ang bag ko sa upuan ko, pagkatapos dinukdok ko ang mukha ko sa desk.

Pinikit ko ang mata ko para makaidlip ako kahit ilang minuto lang, at habang ginagawa ko iyon marahan kong minasahe ang sentudo ko na sumasakit.

I set my alarm at 9:00 am, nabanggit kasi sa gc namin kanina lang na wala ngayon ang teacher namin sa History. And i'm glad to know it, because I can used her time to take some rest. Gusto ko munang umidlip kahit saglit lang, kasi namamanhid na talaga ang mga mata ko sa puyat idagdag mo pa ang sakit ng ulo at katawan ko kakatrabaho.

Sakto ko palang nahuhuli ang tulog ko ng kalabitin ako ng katabi ko. Tamad akong timingin sa harapan at ang nakangising mukha niya ang bumungad sa akin. Napasimangot ako sa napagtanto ko, ang malas ko naman.

"So class today away muna tayo sa mga math jokes, ngayon babalikan natin ang nakaraan."

Nakangiting anunsyo nito sa klase. Napairap ako sa mga komento ng mga kaklase ko.

Andaming sinasabi ng mga ito; kesyo pahinga nalang daw kame, wag na muna mag discuss si sir at kung ano-ano pa.
O

key naman sana ang sinasabi nila pero nakakairita lang kasi ang iba nakikisabay nalang sila sa ingay.

Ngumiti lang si Xandro s at inutusankami na kumuha ng papel.

And ayan na naman ang mga parasite na kumakalabit para makahingi ng papel. Minsan hindi ko maintindihan, anong logic ng mga estyudanteng nabuhay nalang sa paghingi ng papel. Hindi ba nila kayang bumili? O trip lang nilang umasa sa katabi.

Sumandal ako sa upuan ko at tinitignan ang mga kaklase ko, na nagsusulat sa kanya-kanya nilang papel. Hindi ko na inabala ang sarili kong maghanda, kasi wala akong plano mag-participate sa activity na ito. At sure ako na may naisip na namang kalokohan ang lalaking ito.

"Ngayon magsisimula muna tayo sa sarili natin. I want all of you to write your dark history in that paper."

Biglang natahimik ang buong klase sa sinabing yon ni sir. Seryoso sila?

Napasinghal ako noong nagsulat nga ang mga tanga sa papel na iyon. Ang bigat ng atmosphere sa paligid, in just a minute parang may dumaan na malaking himala sa maingay naming klase.

Napatitig ako sa loko na nakangiti sa harapan ng klase. Ngiti na hindi mo aakalain na halimaw ang nilalang na ito.

Ito si Xandro, the person who loves to play other people life. He has the power to manipulate, anyone who dares to come near to him.

90 DegreesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon