Prologue

391 8 0
                                    

10 years ago .....






It was a sunny Saturday noon.. may dalawang bibo na matatabang bata ang masayang naglalaro sa labas ng isang malaking bahay sa isang subdibisyon sa Pampanga..

Beth ( Ara's Mom ) : (pasigaw) Victonaraaaaa!! Pumasok muna kayo dito sa bahay. Kakain na tayo ng tanghalian. Mamaya niyo na ulit ituloy ni Thomas ang paglalaro.

Ara : (pasigaw rin) Opo, Ma! Papunta na po... (hinila si Thomas) Tara na Babs! Kakain na raw tayo sabi ni Mama! Alam ko namang gustong gusto mong kumakain dito sa bahay kasi si Mama ang nagluto. Haha!

Thomas : Oo naman! Ayoko kasi sa bahay, palagi na lang fast food ang pinapakain sakin ni mommy eh. Kung hindi naman fast food, instant or canned goods naman.. Kita mo naman yun, hindi marunong magluto. hays, nakakasawa rin 'no? ikaw kaya ganun ang kinakain palagi? tingnan ko lang kung hindi ka magsawa. (sad face)

Ara : Hahahahahahaha!! Mukha mo nga Thomas! Parang naluge ka ah! Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan 'yang katawan mo eh. Tara na nga! Bilisan mo!! Ang kupad mo kahit kailan Babs! Bawas-bawasan mo nga 'yang taba mo para bumilis naman ang pagkilos mo kahit konte.

Thomas : Wow! Hiyang-hiya naman ako sa'yo Tabs! Nagsalita ang payat. Pshhh! Tingnan mo nga 'yang katawan mo Victonara. Lamang lang ako sa'yo ng mga 5 kilo, makapagsalita ka naman jan.

Ara : Oo na! Oo na! Ang dami mo pang satsat jan eh. Tss. Bahala ka, iwan na kita jan. Papasok na ako. Ayoko magutom!! Bleeeh!! (tumakbo, sabay pasok sa bahay nila)

Thomas : (sumigaw) HAHAHAHA!! Pikon ka talaga kahit kailan! (pumasok na rin ng bahay)

Beth : Oh! Thomas, bakit ang tagal niyong pumasok ng bahay nitong si Victonara? Masamang pinaghihintay ang pagkain, tandaan niyo yan ha?

Ara : Opo, Ma! Eto kasing si Thomas eh, ang bagal-bagal kumilos. Paano, ang taba-taba. (tumawa ng konti)

Thomas: Hoy! Anong ako? Ikaw kaya jan! Ang dami mo pa kayang sinabi sa akin na kung ano-ano kaya tayo tumagal. Mga wala namang kwenta kwento mo. At isa pa, hindi lang ako ang mataba dito. Tumingin ka rin minsan sa salamin para malaman mo.

Beth : Oh! Nagbabangayan na naman kayo? Tama na muna iyan. Nasa harap kayo ng pagkain oh. Kumain na tayo.

Thomas : Sorry po Tita.

Ara : (dinilaan si Thomas)






Pagkatapos nun, wala nang nagsalita pa.Kumain na ng tanghalian si Ara, Thomas at ang mama ni Ara. Silang tatlo lang ang sabay-sabay na kumain ng tanghalian. Nagta-trabaho kasi ang papa ni Ara. Siya yung namamahala ng mga negosyo nila, ang poultry, ang babuyan at ang kilalang-kilala na Resto Bar nila. May isang nakakatandang kapatid si Ara, si Kuya Djun niya. Kaso lang, nagkataong nagkaroon ito ng biglaang practice sa school nito kahit Sabado. Member kasi ng isang banda sa school nila ang Kuya Djun niya.

Malamang eh nagtataka kayo kung bakit nasa bahay nila Ara si Thomas. Una, dahil inahabilin muna siya ng mommy nito doon dahilan sa may inaasikaso itong importanteng bagay. Kung ano ito, hindi ko alam. Ang daddy naman ni Thomas ay nasa ibang bansa. Doon ito nagta-trabaho bilang isang project engineer ng isang malaking kompanya. May isa ring nakatatandang kapatid si Thomas. Mayroon siyang Kuya Axel. Nasa probinsya nila ito sa Ilocos kasama ang Lola nila. Doon ito lumaki kasama ang lola nila at iba pang kamag-anak, doon na rin nag-aaral ang kuya nito.

Siguro'y nagtataka parin kayo kung bakit nasa bahay nila Ara si Thomas at bakit doon ito inahabilin ng mommy nito. Isa lang ang dahilan jan, Family Friend kasi nila ang mga ito. Mag-bestfriends ang daddy nila at ang mga mommy naman nila ay matalik na magkaibigan. Kaya hindi na rin siguro nakakapagtaka kung bakit ganon na lamang kalapit sa isa't isa si Thomas at Ara. Simula pagkapanganak, pagkabata, paglaki, hanggang ngayong nag-aaral na sila sa elementarya ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Grade 3 na sila ngayon. Mapa-eskwelahan, mapa-mall o mapa-bahay man eh palagi silang magkasama, kahit saan sila magpunta. Kaya nga sabi ng mga magulang nila, hindi na raw mapaghiwalay ang mga ito. Paano ba naman, kung nasaan ang isa, dapat andun din ang isa. Madalas man silang mag-asaran, magkulitan at magbangayan, never naman nilang iniwan ang isa't isa. And that makes them unique.

Friend of Mine ( An Ara Galang and Thomas Torres Fanfiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon