CHAPTER I

235 6 1
                                    


AN: yung mga naka-italicized na words, it's either narration ko po or yung iniisip nung nagsasalita. :) yun lang! Happy Reading!! ;)

Present Day .....

ARA'S POV

Mika : Daaaks! Umagang-umaga nakatulala ka na naman jan. Palagi ka na lang ganyan. Tsss!

Yan si Mika Aereen Reyes, Yeye kung tawagin ng karamihan. Pero ako tawag ko sa kanya 'Daks'. Bakit yun ang tawag ko sa kanya? Wala lang, tawagan lang namin. Siya yung babaeng ubod ng ganda, syempre tulad ko. Simula ng tumuntong ako sa kolehiyo, si Mika na ng madalas at palagi kong kasama. In short, best friends po kami. Obvious naman po di ba? Kapatid na nga ang turingan naming dalawa eh. Nagsimula ang pagkakaibigan namin ng dahil sa Volleyball. Simula kasi noong umalis si Thomas ng bansa eh naghanap ako ng maari kong pagtuunan ng pansin upang maibsan ang lungkot ko. At nahanap ko iyon sa Volleyball. Naging dedikado ako sa sport na ito na para ba sa aki'y buhay ko na ito. Lahat nga ng mga awards na nakamit ko ay inaalay ko kay God, sa family ko, sa school at kay Thomas. Siya yung naging inspirasyon ko para magpursigi dito. Kahit minsan ay hindi siya nawala sa isipan at puso ko... Sana nga sa bawat parangal na nakukuha ko ay naroon siya upang masaksihan niya iyon. Haysss, nami-miss ko na ang best friend ko, nami-miss ko na si Babs ko. Kailan kaya kami magkikita ulit?

Pagtuntong ko pa lamang ng ikatlong taon sa High School ay agad akong ni-recruit ng DLSU. Noong mga panahong iyon ay marami na ring ibang eskwelahan ang nagtangkang kumuha sa akin, ngunit mas pinili kong pumasok sa La Salle. Bakit doon? Hindi ko rin alam, sa kadahilanan na para bang may nagtulak sa akin na soon ako mag-aral at ipagpatuloy ang aking paglalaro.

Sa paglalaro ko para sa La Salle noong unang taon ko ay nakamit ko ang ROY and Best Server award at nag-Back-to-Back Champs ang LS nun. Noong ikalawang taon ko naman ay ginantimpalan ako bilang Co-MVP of the Season at nag-3Peat Champs naman kami. Ang ikatlong taon ko naman ay ang isa siguro sa pinakamasakit na nangyari sa team namin. Sabi nga nila, huwag na raw naming isipin pa at balikan ang pangyayari sapagkat alam din sa sarili naming masasaktan lang ulit kami. Kaya ginawa namin itong motivation para lalo kaming mag-improve at maging pursigido. Sabi nga ulit nila, keep moving forward. Kaya eto kami ngayon, pursigidong mag-bounce back sa darating na season sa UAAP and para na rin to kay MotherF. Ikaapat na taon ko na sa La Salle, masasabi kong marami nang nangyari sa amin, sa akin. Masaya man o malungkot. Ngunit bakit pakiramdam ko'y may kulang pa? Hindi ko lang mawari kung ano ito...

Nabalik ako sa realidad ng bigla na lang akong batuhin ni Mika Aereen sa mukha ng mga unan niya at sumigaw ng pagkalakas-lakas na...

Mika : Victonaraaaaa!!!

Ako : (takip ng 2 tenga) Mika ano ba? Masakit sa tenga? Pshhhh!!

Bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto namin at biglang pumasok si Ate Kimmy...

Kim : (nagpapanic) Mika... Ara!! Tumayo na kayo jan! May sunog daw! Dalian niyo, di niyo ba narinig yung malakas na sigaw ng kapitbahay? Magbalot na tayo ng gamot. Ayokong maging tustadong hamon! huhuhu!! Lumikas na tayo please? Sayang kaya tong muscles ko kung masusunog lang, pinaghirapan ko 'to! Ayoko matusta!! Waaaah!!!

Pagkatapos magdrama ni Ate Kimmy ng pagkahaba-haba, ay bigla na lang kaming humagalpak ni Daks....

Mika & Ako : Pfffffttt!!..... Bwahahahahaha!! (with matching lupasay sa floor)

Kim : Nakuha niyo pa talagang tumawa eh 'no? Nasusunugan na nga tayo. Huhuhu!!

Ako : Eh kasi noggy este Ate Kimmy, wala naman talagang sunog. (natatawa parin) Itong si damulag lang naman yung sumigaw kanina. Haha! Yeye kasi, OA maka-sigaw. Si Ate Kimmy naman ang OA maka-react.

Friend of Mine ( An Ara Galang and Thomas Torres Fanfiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon