Chapter 4: Ang Lihim ni Rosalyn

43 5 0
                                    

Sa aming grupo, ako ang kuwawa, ang lagi ang talo, ako ang mahina. Ayan ako, ganyan ang naging buhay ko sa kanila, ganyan si Rosalyn sa kanila.

Bago pa dumating sa buhay namin si Elise, ako ang target ni Alexis. Madalas niya pagdiskitahan ang malapad kong noo gayun na rin sa pagiging one sided love ng lalaking iniibig ko.

Aaminin ko, masyado akong nabulag sa pagmamahal sa kanya, masyado akong na obsess kaya nagawa kong magdesisyon ng ganun. Nagawa kong pagtakpan siya, nagawa kong magsinungaling para sa kanya, nagawa kong sumama sa isang krimen at higit sa lahat, nagawa kong 'pumatay' para sa kanya.

Oo, 'pinatay' ko si Elise.

Nangyari ang lahat nung napagisipan ng grupo na bullyhin si Elise. Sino ba namang makapagaakala na yun na ang huli at tatapos sa kanyang paghihirap.

Sa totoo niyan ay hindi ako sumama sa mga pangbubully nila, kasi naaawa ako kay Elise, naramdaman ko na kasi lahat yun.

Naisipan ko munang umalis para bumili ng drinks at pagkain ng lahat, natagalan ako, at pagbalik ko, wala na sila Alexis, ngunit may nakasalubong akong pamilyar na tao.

"Jo-?"

Nagmamadali siya, pawis na pawis at halatang kinakabahan.

Umakyat na ako para tignan ang kalagayan ni Elise, ngunit may iba siyang kasama. Nandun yung lalaking mahal ko. Nakita ko, sinaksak niya si Elise! Gusto niyang patayin si Elise.

Pumasok ako para pigilan siya pero..

"Baliw ka ba?! Bakit gusto mo patayin si Elise?"

"Sino ka ba ha!? Wala kang pake, umalis ka dito!"

Hinawakan ko ang kanyang braso, pinilit kong itapon yung gunting najawak niya pero mas malakas siya sa akin. Tumalsik ako kay Elise.

Patayo na sana ko, nang biglang hawakan ni Elise ang aking paa.

"Rosalyn tulungan mo ko..."

Aaminin ko, may galit ako kay Elise, inisip ko na pagkakataon ko na yun para gumanti sa kanya. Sinipa ko, hindi, tinadyakan ko siya, nauntog siya sa pader. Malakas yubg pagkakauntog niya, ramdam ko yung impact, nawalan siya ng malay..patay na ata si Elise. Pinatay ko siya..

--

Papunta ako sa taong yun ngayon, gusto kong sabihin sa kanya na nakokonsensya na ko, na gusto ko nang umamin.

Nasa daan na ako papunta sa lihim naming tagpuan, oo, nagkikita pa rin kami, ito ang kapalit ng pananahimik ko, ang makita siya, ang makasama siya at iparamdam ang pagmamahal ko sa kanya.

Ang dahilan kung bakit ako aamin? Buntis ako. Siya ang ama, gusto kong lumaki ang bata ng maayos.

Paano ako nabuntis? Sabi ko nga, sa akin siya..akin lamg siya..at kabayaran yung ng pananahimik ko.

May tumawag sa phone ko, hindi ko kilala kung sino, parang may nagmamasid sa akin.

Tumingin ako sa likod ko, walang tao. At pagkarap ko.

"Arrrgghhh...bakit?...Jo-?"

"Sorry ha? Kung nanahimik ka lang kasi eh."

Nakita ko siya, nakita ko ang taong minahal ko, ang taong punatay kay Elise, ang taong pumatay kay Nick at sa akin, at ang taong papatay sa kanila...

ShhhhhhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon