Chapter 9

15 0 0
                                    

Nakita ni Josh ang mga taong pinatay niya, nakita niya silang lahat, duguan, nakita niya ang itsura nila kung paano niya sila pinatay ng walang kaawa awa.


Una si Nick, hawak ang tubong pinang hampas ni Josh sa kanya hanggang sa mawalan siya ng malay. Naalala ni Josh kung paano niya pinaslang si Nick. Narinig niya noon ang boses. Boses na nagsasabi na patayin ang mga taong sumira sa buhay niya, sumira sa kanila ni Elise.


Gabi na noon, naiwan sila Joan at Nick. Doon naisipang umatake ni Josh. Madilim noon, sarado na ang ilaw. Habang inaalis ni Nick ang kanyang pang taas, at habang nakahiga naman si Joan, doon niya pinatay si Nick.


Nuong gabi din 'yun ay unang nagpakita si Elise. Binabalaan niya ang kanyang mga 'kaibigan' na mag ingat, na baka mamatay sila. Nagpapakita si Elise bilang babala sa kanilang lahat.


Nandoon din si Jondell, siya yung nakita ni Joan. Nagmamasid siya, binabantayan niya si Josh. Gusto niya maitama yung mali niya noon sa panunuod sa pagkamatay ni Elise. Gusto niya may mailigtas siya ngunit pinanghihinaan pa rin siya n loob, natatakot siya. Takot siya kay Josh, ayaw niyang mamatay pero gusto niyang iligtas sila. Mahina siya, duwag siya, wala siyang magawa kundi panuorin ang pagkamatay ng mga kakilala ni Elise. Onti onti hanggang siya mismo ay mamatay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ShhhhhhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon