Chapter 6

41 3 0
                                    

Gusto ko sila tulungan, gusto ko sila ilayo sa kamatayan, gusto ko sila iligtas..ngunit lagi akong nahuhuli..hindi ko sila mailayo mula sa kanya.

Alam kong gusto nila humingi ng tulong, kahit na walang tinig ang lumalabas sa kanilang bibig ay alam kong gusto nilang makatakas sa kamatayan.

Pero wala akong nagawa, naduwag ako. Hinayaan ko silang mamatay, hinayaan ko siyang patayin isat isa. Kahit na hindi ko sila pinatay ay parang ako na din ang pumatay sa kanila.

Huli na nang nagkaroon ako ng lakas para iligtas ang grupo nila Alexis. Namatay na ang dalawa sa kanilang grupo.

Kinompronta ko ang taong nagpatawag sa kanila, sinubukan ko siyang patayin ngunit mas nanaig at mas malakas siya sa akin. Pero nasugatan ko naman siya sa kanyang kaliwang braso at binti.

Nakatakas din siya sa akin, at ngayon ay naghahabulan kami.

Sa gitna ng aming paghahabulan ay nakita ko sila Juvenith at Mayca. Nasa gitna sila ng kalsada. Nakahiga si Mayca at nagdudugo ang kanyang mukha. Pumutok yung noo niya, sumisirit ang dugo.

Palapit ako upang tulungan sila ng biglang may rumaragasang truck ang papunta sa kanila.
Hindi ko nanaman ba sila matutulungan?
Nanlambot ang aking mga tuhod, kinabahan ako. Hindi ako makakilos.

Nakalahad ang mga braso ni Juvenith. Gusto niya kong abutin.

Napakalapit niya lang sa akin pero sa tingin ko na ay parang ang layo layo ng agwat nila sa akin.

Papalapit na ang truck.

Napapapikit na lang ako..nanghihinayang at naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa.

May narinig akong boses..pamilyar na boses.

"Tulungan mo sila Jondell."
Ang sarap pakinggan ng boses na iyon..parang musika sa aking pamdinig.

Nagkaroon ng lakas para tulungan sila.. ngunit huli na ang lahat.

"Tulungan mo kami Jo-"

Nabangga na sila. Patay na sila.

Agad akong pumunta sa kanilang lasog lasog na katawan. Dere-deretso lang yung driver ng truck. Na hit and run sila.

"Rrrrraaaaaaaaahhhhhhhhh"

Napasigaw nalang ako ng malakas. Lumuluha.
Kung hindi ba ko pinanghinaan ng loob, maliligtas ko sila?
Kung hindi ba ko naduwag, buhay pa sila?
Pinatay ko sila.. ako ang pumatay sa kanila.

Naisip kong kitilin ang sarili kong buhay.

Kinuwa ko ang patalim na dala at gamit ang duguan kong kamay ay tinutok ko ito sa aking sarili.

Bago pa man tuluyang dumapo yung patalim sa aking leeg ay nakarinig ako ng boses kaya napahinto ako.

"Jondell?" -Alexis

"Bakit mo sila pinatay? Anong ginawa mo?" -Joan.

"Jondell? Ikaw ang pumatay ngunit bakit?" -Alexis.

"Hindi ako ang pumatay! Aksidente ang lahat!"

"Pano mo maipapaliwanag yang patalim na hawak mo?" -Alexis

"Teka, kung hindi ikaw yung pumatay, edi sino?" -Joan.

Nakaramdam ako ng malakas na killing intent.

Napatingin na lang ako sa likod nila.

What lies behind their shadows is him.. Oo.. Andun siya, andun yung taong gusto pumatay sa kanila.

"Edi siya!"

Napaturo ako sa likuran nila.

"Si Jo- bruaaaawwhhh.."

May lumabas na dugo mula sa aking bibig kaya natigilan ako sa pagsasalita. Sinaksak niya ko.

Hindi rin ako makahinga, sakal sakal niya ako.

ShhhhhhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon