Chapter 5

44 5 4
                                    

(A/N: Point of view ni Juvenith.)

"Aaaaaarrrrggggghhhhhhhh!!!"

"Chris...!?Renier!?"

Nakarinig kami ng malakas na sigaw mula sa ibaba, sigaw ng mga lalaki..sigaw nila Chris at Renier. Kasabay nito ang isang malakas na tunog ng pagyupi ng mga yero.

"Kung hindi sila yung nagpatunog ng yero, edi sino?" -Joan

"Si Elise.." -Juvenith

Oo, nakita ko si Elise, aninag ni Elise. Nakita ko siyang kanina pa paikot ikot samin. Nakatingin siya ng masama sa amin.. parang tinatakot niya kami.. parang gusto niya kaming paalisin.

"Wag ka nga manakot ng g-ganyan!" -Joan

Muli ulit tumunog yung mga yero, sa puntong ito ay parang mas malinaw na ang imahe..parang si Elise nga..

"T-tara na..natatakoy na a-ako!" -Mayca

"Teka..yung phone ko.." -Alexis

Kukunin na dapat ni Alexis yung phone niya ng biglang may humawak sa mga kamay niya. Hindi namin nakita kung sino ngunit duguan yung mga kamay..

Hindi na niya kinuwa yung phone niya at nagmadali na kaming bumaba. Ang bilis ng tibok namin, maaring dahil ito sa kaba at takot mula doon sa tumawag at dahil na rin sa tingin naming si Elise ang gusto pumatay samin.

Nakita namin si Renier sa may banyo sa third floor, nakaupo lang siya.

"Renier?"

Tinatawag namin siya ngunit hindi siya sumasagot kaya naisipan na namin siyang lapitan. May naamoy ako.. amoy ng dugo.

Medyo basa ang paligid. Hinawakan ko siya, basa siya, duguan siya, patay na siya.

Nakarinig kami ng kalampag mula sa hagdan, umalis na kami agad.

Nakita namin ang nakahandusay, walang malay at naliligo sa sariling dugo na si Chris. Nilapitan siya ni Alexis, patay na rin si Chris.

"Chris?"

"Chrissssss!!!!"

Umiiyak si Alexis, nakayakap siya kay Chris, ayaw niya ito bitiwan.

"Alexis tara na.. patay na siya.." -Mayca

"Hindi!! Buhay pa siya!! Alam kong buhay pa si Chris!!" -Alexis

Nararamdaman ko, malapit na siya.. malapit na ang taong gusto pumatay samin. Lumingon ako sa aking likod, hindi nga ako nagkamali.. andun siya.. malapit na siya.. andun si Elise..

"Alexis, ano ka ba? Gusto mo rin ba mamatay!?" -Juvenith

Hindi nila namin si Alexis, hinila papala layo kay Chris, hinila paalis sa abandonadong bangko.

Tumakbo kami.. tumakbo papalayo, tumakbo ng tumakbo kahit hindi alam ang patutunguhan, gusto naming makaligtas, gusto ko mabuhay.. ayoko pa mamatay.

Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo, tumakbo kami sa abot ng aming makakaya, pinilit naming takasan si kamatayan.. pinilit naming takan ang taong gustong pumatay sa amin.. pinilit naming takasan si Elise.

Medyo malayo na kami ng biglang nasalubsob si Mayca. May sugat siya sa kanyang tuhod at mukha, duguan siya at hindi na niya kayang tumayo.

"Iwan niyo na ako.. tumakas na kayo.." -Mayca

"P-pero!?" -Joan

"Gusto niyo bang mamatay? Tumakbo na kayo!? Hayaan niyo na ako!" -Mayca

Alam kong labag sa loob ni Mayca yun, sa buong grupo, ako ang mas may kilala sa kanya.. ayaw niya lang maging pabigat, pero gusto niya pa mabuhay.

Tumakbo na sila Joan at Alexis, naiwan ako.. gusto ko sanahan si Mayca, gusto ko siyang tulungan.

"T-tumakbo ka n-na din!" -Mayca

"Tutulungan kita, gusto ko magkasama tayong mabuhay." -Juvenith

"Huli na ang lahat.. andyan na s-siya! A-andyan na si E-elise!" -Mayca

Tinuro niya ang likod ko.. lumingon ako, tama nga siya.. huli na.. andyan na nga siya.. andyan na si Elise..

Nakita ko si Elise sa huling pagkakataon, pumikit ako at sa muli kong pagdilat wala na siya ngunit isang lalaki ang nakita ko, isang pamilyar na lalaki ang dumaan sa amin, duguan din siya. Hindi lang yun, at sa kinatatayuan ni Elise, isang rumaragasang truck ang papunta sa amin. Gusto ko tawagin yung lalaking yun.. gusto kong humingi ng tulong sa kanya.. ngunit huli na ang lahat..

"T-tulong..Jo-..."

ShhhhhhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon