Chapter 5

17.4K 479 22
                                    

Alesss!! Ito na! Ang diary ni Josefa! hahaha XDD

Chapter 5

Paupo pa lang ako sa pwesto ko nang lumapit sa’kin si Charm, ang secretary ng boss ko, “Magda, tawag ka ni Sir,” sabi niya habang ngunguya-nguya pa siya ng bubble gum. Ewan ko ba kung bakit natanggap na secretary ‘to. Porke’t maganda at sexy, tinanggap agad, kahit parang wala namang alam sa trabaho niya. Madalas ko kaya siyang mahuling nagpe-facebook lang o kaya naglalaro ng solitaire sa computer. Madalas ring palpak ang trabaho niya pero giliw na giliw pa rin ang boss ko sa kanya. Napagchichismisan tuloy siya dito sa opisina. Lalo na at ilang buwan pa lang siyang nagtratrabaho dito at hindi pa naman ganun kalakihan ang sweldo, pero lagi siyang may bagong gamit. Bagong bag, bagong sapatos at mga bagong alahas. Sa tingin ko nga totoo ang chismis na kabit siya ng boss namin.  

“Bakit daw?”

“Hindi ko alam, basta dalian mo kasi mukhang mainit ang ulo ni Sir,” maarteng sagot niya.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng opisina ng boss ko.

“Pasok,” pasigaw niyang sabi. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Nakita ko ang boss ko na busy sa harapan ng laptop niya.

“Sir, pinapatawag niyo raw po ako?”

Walang gana niya akong tinignan, “Maupo ka,” sabi niya na sinunod ko naman. May inilapag siyang mga papel sa harapan ko. Wala na siyang ibang sinabi pero alam ko na ang ibig niyang sabihin. Isa-isa kong tininggnan ang mga pape. Mga disciplinary memos pala ito na natanggap ko sa loob ng isang taon. At nagsimula nang maglitanya ang boss ko. Kesyo hindi na raw niya mabilang kung nakailang memo na ako. Na sobra-sobra na raw ang kapalpakan ko sa trabaho. Kung hindi raw ako late, absent ako, hindi ko natatapos sa oras ang mga trabaho ko, at pati trabaho ng mga kasama ko nakokompromiso dahil sa mga kapalpakan ko. Kaya last day ko na raw ito sa trabaho at bukas raw huwag na akong pumasok.

“Sir, hindi naman po ata makatarungan ‘yan. Biglaan naman po Sir.”

“At ako pa ngayon ang hindi makatarungan? Magda, naririnig mo ba ang sarili mo?! Get out of my office now! You’re fired and that’s final! Hindi ko kailangan ng mga empleyadong katulad mo! Malas ka sa negosyo! Wala ka nang dinala rito kundi problema!” sigaw niya sa’kin. ‘Yung inis ko sa kanya na ilang buwan ko ring kinimkim, hindi ko na napigilan. Lalo na nang maalala ko ‘yung mga kapalpakan ni Charm na sa’kin niya isinisi. Na dapat si Charm ang makatanggap ng memo pero ako ang nalintikan at nasuspinde ng ilang araw, kaya ilang araw rin akong walang sweldo.

“Oo! Aalis ako dito sa bulok na opisina mo! Grabe ka makapanlait, akala mo naman napakalaki mong magpasweldo! Sa Limang taon kong pagtatrabaho rito isang libo lang ang itinaas ng sweldo ko! Akala mo Sir ‘di ko alam na kabit mo ‘yang sekretarya mo! Baka gusto mong makarating ‘yan sa misis mo!”

Bigla siyang namutla sa sinabi ko. “Umalis ka sa harapan ko!! Wala kang utang na loob!”

“Hindi ko kailangang tumanaw ng utang na loob sa’yo dahil pinagtrabahuhan ko lahat ng kinita ko rito! Ikaw pa nga ang may utang sa’kin, sa’ming mga empleyado mo! Pinaag-oovertime mo kami pero walang sweldo! Saksak mo sa baga mo 'yang pera mo!”

“Get out!!” galit na galit niyang sigaw. Tinalikuran ko na siya at pabalya kong isinarado ang pinto ng opisina niya. Paglabas ko nakatingin sa’kin lahat ng mga kasama ko sa trabaho, inirapan naman ako ni Charm. Sigurado akong narining nila ang sigawan namin ni Sir. Tahimik ko lang kinuha ang mga gamit ko. Yakap-yakap ko ang bag ko palabas ng opisina. Buti na lang talaga napulot ko ang diary, kahit nawalan ako ng trabaho, wala akong proproblemahin pagdating sa pera.

HILING (Published under Viva-Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon