08/21 • Saturday
8:19 AM
where shit happens
Eugene:
HIIIIII
KATAPAT KO LANG NAMAN SI QUIN SA JEEP NGAYON!
AS IN TAPAT NA TAPAT.
ANG GWAPO TALAGA NG ASAWA KO.
Hilary:
Halaaaa swerteeee
Sana all nakakasama si crush sa jeep ahu
Gold:
*facepalm*
Eugene:
Nginitian ko siya
Kaso di ako pinansin. :(
Hilary:
💔
Eugene:
Malapit na ako sa university
Hilary:
Ingat ka.
Mukhang uulan. May payong kaba?
Eugene:
Nakalimutan ko nga. :( eh kasi naman bago ako umalis ng apartment kanina andyan pa si Mr. Sun kaya nawala na rin sa isip ko.
Malapit naman na ako sa univ. Sana di ako abutan
Hilary:
Osige.
Ingat ka!
(Seen)
8:38 AM
Eugene:
Uy :(
Gold:
Napano ka?
Eugene:
Wow, grabe AU wala man lang akong naramdamang concern.
Gold:
What happened nga?
Eugene:
Umulan nang malakas bago pa ko makarating ng univ. Bastos din 'tong ulan.
Kaya naglakad ako nang mabilis kahit maulan.
Tapos naabutan ako ni Quin. Pinayungan ako.
Hilary:
OMG!
Eugene:
Sinabihan akong 'magdala ka ng payong'
Akala ko maglalakad kami ng sabay papasok ng univ.
Or akala ko ibibigay niya 'yong payong niya.
Pero iniwan lang din ako pagkatapos ako sabihan na magdala ng payong.
:((
May extra damit kayo?
Basang basa ako.
Gold:
Napaka-assumera mo naman sa part na 'yon, Gene haha
Hilary:
Dapat man lang sana sinabay kana papasok ugh
Minus points para kay Quin.
Gold:
May extra damit ako. Nasaan ka?
Eugene:
Alam ko naman. Pero akala ko magiging mabait siyang tao at isabay ako sa payong niya.
Nasa CR ng building 5 first floor. Nagpapatuyo.
Gold:
Puntahan na kita. Diyan ka lang.
Hilary:
Hayzz minus points talaga si Quin
Gold:
Puro ka minus points kay Quin, ni minsan di naging negative.
Hilary:
SIYEMPRE!!
Gold:
Tsk.
(Seen by everyone)
9:56 PM
Quin Suazo
Eugene:
Sleep well pa rin kahit sobrang insensitive mo.
(Seen)
![She Who [FIN]](https://img.wattpad.com/cover/198901769-64-k254697.jpg)