017

100 9 12
                                    

CHAPTER 17

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 17

    ilang araw kong hindi nakita si hanna. sabi ng teacher namin ay may lagnat daw ito. dumalaw ako sa bahay nila.

" andyan ang kaibigan mo,nagsasakit-sakitan. " binuksan ni hangyul ang pinto sa kwarto ni hanna.  pagpasok ko ng kuwarto ni hanna ay naroon lamang siya sa kanyang kama, nakahiga at nakatitig sa kawalan.

" rina....." hindi man lang siya lumingon sa akin. walang gana ang kanyang boses.

" hanna,get well soon. nag-aalala na ako sa iyo,eh. eto nga pala ang notes ko, iiwan ko nalang muna dito tutal friday naman. sa lunes mo nalang isauli o kaya sa linggo. wag mo kakalimutan ha! pagaling ka diyan. ipapakilala ko pa sa iyo iyong gusto ko. " inilapag ko ang mga notebook ko sa study table niya. nagpaalam naman ako kaagad sa kanya.

     pagbaba ay nadatnan ko si hangyul na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. noong dumaan ako ay nagpasalamat ako at bahagyang ngumiti. ngumiti rin siya pabalik at sinabing bumalik ako para gumaling ng mas mabilis si hanna.

    hindi ko alam pero kahit maliliit na bagay lamang iyon ay nahihiya ako tuwing mag-iinteract kami ni hangyul. minsan nalang kami magchat dahil mas madalas pa kami magkita. gulong- gulo ang isip ko.

𝐒𝐀𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐑𝐈𝐍𝐆𝐒 ꧇ 𝐋𝐄𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐘𝐔𝐋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon