CHAPTER 26
pinilit kong i-analyze iyong sinabi sa akin nung papa nila hanna kanina. kakauwi ko lang ngayon at pagulong-gulong lang sa kama.
naalala ko si alliah. siya iyong sumabunot sa akin dati. inamin naman ni hangyul na crush niya siya pero dati lang daw iyon. hindi ko lang talaga maalis sa utak ko iyong simabi ng papa niya na may gusto pa siya kay alliah hanggang ngayon.
PAGKATAPOS NG ILANG ARAW
inanyayahan ako ni hanna na magshopping. pumayag ako kasi wala naman akong magawa sa bahay. bumibili siya ng mga damit ngayon.
" eto,oh. bagay sa iyo. " itinapat niya ang isang off shoulder shirt na white. may red itong ribbon sa parteng gitna. maganda naman pero wala akong pera kaya tumanggi ako at sinabing sa susunod na lamang ako bibili.
" sigurado ka? " tanong ni hanna saka uminom sa kanyang strawberry shake. um-oo na lamang ako.
" libre ko. pili ka nalang. " LIBRE!? nanlaki ang mga mata ko doon at nagpasalamat. iniwan ko siya doon at kaagad na naghanap ng magandang kasuotan na gusto ko.
ang ending, nakapili ako ng isang dress at dalawang shirts na simple lamang. hindi ganoon kamahal ang presyo pero maganda ang quality.
sinuri ni hanna ang mga pinili ko, " palitan mo itong isang shirt ng dress. ako ang pipili. alam ko ang taste ni kuya pagdating sa babae. " saka umalis. sinundan ko naman siya. nilinaw ko naman na wala akong gusto sa kuya niya pero heto at pinagtutulakan niya ako kay hangyul. parang kailan lang ay nag-away kami dahil doon.
" pero hanna, wala naman akong gusto kay -"
" alam kong may gusto ka sa kanya. halata naman. " tumingin siya sa akin sandali saka naghanap na ng damit.
" eto. bagay naman sa iyo. " itinapat niya sa akin iyong isang simple black plaid dress. maganda siya para sa summer. iyon nga ang pinagpalit ko doon sa isang shirt na kinuha ko kanina. binayaran namin iyon.
" thank you sa libre,hanna. " itinaas ko iyong mga binili namin na nakalagay na sa isang bag.
" no problem, basta....suotin mo ang mga iyan. " she smiled creepily.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐀𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐑𝐈𝐍𝐆𝐒 ꧇ 𝐋𝐄𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐘𝐔𝐋
Short Story❝ 𝐢 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤 𝐢'𝐦 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐨𝐧𝐞 𝐨𝐟 𝐡𝐢𝐬 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐬. ❞ 𖧭 › a lee hangyul taglish epistolary 𖧭 › x1 celestial series #1