029

85 9 6
                                    

CHAPTER 29

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 29

" uy may gwapo sa labas! kenekeleg eke! " napalingon ako sa dalawa kong kaklaseng babae na kakagaling lamang sa cafeteria. vacant ngayon kaya kaunti lamang ang tao ngayon. hindi pa ako kumakain at nagpabili lang kay hanna kaya habang hinihintay ang pagkain ay nagbabasa muna ako ng wattpad books.

  maya-maya ay nagtext si hangyul sa akin at nagsabi na lumabas ako ng classroom. h-huh? siya ba yung nasa labas ngayon?

nasa labas ka?

oo.

wala dito si hanna.
nasa cafeteria.

so?

anong so?

ikaw ang pinunta
ko

what!?

    namumula yung pisngi ko. syempre kinikilig naman ako. sinampal ko muna ng mahina yung pisngi ko para kumalma bago lumabas. nakasandal siya sa pinto at may bitbit na pagkain.

"a-ano 'yan?" napaface-palm ako sa sarili kong sinabi. malamang pagkain,rina!

" hindi ka pa kumakain. here. " inabot niya iyon sa akin pero hindi ko tinanggap.

" malalate ka pa sa klase mo. atsaka huwag nalang,'no. nagpabili rin ako kay hanna. "

" lumalandi lang ang kapatid ko. mamaya mo pa makukuha iyong pinabili mo. " at dahil wala akong matinong dahilan para tanggapin iyon ay sinabi ko na mauna na siya at pumasok na ulit sa room para umupo.

   u-umalis na ba siya? ang pabebe ko naman papaalisin yung tao kahit gusto naman talaga. tiningnan ko kung hahabulin niya ako kasi feeling mahaba hair pero ayun hindi.

" ano ba 'yan,rina! bakit mo tinaboy si kuyang gwapo? ayan umaalis na. " nakasilip ngayon sa bintana iyong chismosa kong kaklase. nanlumo ako doon. may pa-feeling pa akong prinsesa na hinahabol ayan umalis na pala.

      nagmumuni ako at nakatitig lamang sa mesa kaya hindi ko masyadong narinig ang tili noong kaklase kong iyon.

" OMG BUMALIK!" saka tumili ulit. kasama niya tumili iyong isa pang chismosa.

    pinilit ko ikalma ang sarili ko nang pumasok si hangyul sa loob ng room,walang alinlangan. nakatingin siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. ang isa niyang kamay ay nasa bulsa ng kanyang school uniform habang ang isa naman ay bitbit iyong pagkain.

enebe hihihi

    inilapag niya iyong pagkain sa harapan ko, " kumain ka na. " umupo siya roon sa upuan na nasa harapan ko at inikot iyon para magkatapat kami.

   at dahil sa totoo lang ay kanina pa ako gutom, walang hiya akong kumain sa kanyang harapan. nakatitig lamang siya sa akin. kapag naman inaalok ko ay umiiling lamang. hinintay niya lang maubos ko iyon saka siya tumawa at nagpaalam na.
 

𝐒𝐀𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐑𝐈𝐍𝐆𝐒 ꧇ 𝐋𝐄𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐘𝐔𝐋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon