CHAPTER 22
"rinnnnnnnaaaaaaa!" tumakbo papalit sa akin si hanna.
"buti na lang dumating ka!ang boring sa bahay. ang boring ni kuya." sabi niya habang pumapasok kami sa loob ng kanilang bahay.
"pagkatapos niyo diyan sa composition ay pumunta ka sa kwarto ko,rina. " sabi ni hanna at umalis na.
"effective ba? patingin naman ako ng nagawa mo." sabi ko kay hangyul. inilahad niya sa akin ang isang notebook.
maganda naman yung lyrics. parang may pinaghuhugutan. hindi pa siya kumpleto at pwede pa magrevise.
ang ginawa niyang parang story ng kanta ay late night walks alone.
"ang ganda! i-organize mo muna yung ideas mo. pag kasi naggagawa ako ng composition ay keywords ang nilalagay ko pero okay lang naman kung phrases since depende 'yan sa naggagawa. may nagsabi rin sa akin na ang unang sinusulat ng experts ay chorus so iyon din ang i-sasuggest ko sa iyo. "
ilang oras din ang pinaglaaanan namin doon pero hindi pa naman natapos. malapit na naman matapos. napagdesisyunan namin na ipagpatuloy nalang ito sa susunod.
"doon na muna ako sa kwarto ni hanna. " pagpapaaalam ko saka pumunta na sa kwarto ng kaibigan ko.
ang sarap ng upo ng kaibigan ko habang nakanguso at parang nag-iiscroll ng kung ano sa kanyang cellphone. noong naramdaman niya ang presensya ko ay napatayo siya.
" ay mani at tokwa! andyan ka na pala,rina. " ibinaba niya ng kanyang phone at naglambing.
" tulungan mo naman ako sa love life ko. " saka pinaupo ako doon sa upuan sa harap ng study table niya. inilapag ko ang aking phone sa may study table.
" love life?hindi ako diyan magaling... " hindi ko nga alam ang sasabihin ko pagdating diyan sa love life na 'yan.
" hayysss pero alam mo ba may tsismis ako? may bestfriend kasi ang crush ko. ang pangalan is dongpyo tapos laging may war sa classroom nila. eh yung isa kasing bestfriend noong dongpyo ay higad. ano ba gagawin ko?" napabuntong-hininga si hanna. chineck ni hanna ang kanyang phone.
" HIGAAAAAAAAAADDDDDDD! " napasigaw siya at halata ang inis.
AUTHOR'S NOTE
happy dongpyo day ! ilagay ko lang si dongpyo dito sa chapter hahaha special
double ud tayo ngayon,ayaw ko malate sa pag-upload neto eh
BINABASA MO ANG
𝐒𝐀𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐑𝐈𝐍𝐆𝐒 ꧇ 𝐋𝐄𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐘𝐔𝐋
Short Story❝ 𝐢 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤 𝐢'𝐦 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐨𝐧𝐞 𝐨𝐟 𝐡𝐢𝐬 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐬. ❞ 𖧭 › a lee hangyul taglish epistolary 𖧭 › x1 celestial series #1