Dream 2

29 2 0
                                    

Umupo na ito sa bandang kaliwa ng inuupuan ko. Bumuntong-hininga muna ako bago lumingon sa kaniya. Nag tama ang aming mga tinginan dahilan na napatulala ako sa kaniya. Sa kasamaang palad, may tumapik sa balikat ko dahilan na nagising ako sa katinuan. Agad kong inilipat sa ibang bagay ang aking tingin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Nananaginip lang ba ako?! Pasimple kong tiningnan ulit si Joross at nakita kong tumatawa siya ng patago. Napakunot-noo naman ako sa kaniya. Tinatawanan niya ba ako? Aba aba!

"Saadia, mukhang ang lalim ng iniisip mo ha." Ani ni Margaux, ang aking kaibigan at saka tinabihan ako.

"U-uh, may naalala lang ako," Tugon ko sa kaniya at binigyan ko itong tipid na ngiti. "Tara, punta tayo sa canteen?" Dagdag ko pa. Tumango na lamang ito bilang pag sang-ayon sa alok ko sabay inakbayan. Titingnan ko ulit sana si Joross pero wala na siya sa inuupuan niya. Saan kaya siya nagpunta?

Dali-dali kaming tumakbo ni Margaux papuntang clasroom nang marinig namin ang tunog ng bell rito. Baka kasi dumating na 'yong susunod naming suject teacher.

"Teka lang, pagod na ako katatakbo, Margaux. Tigil muna." Hingal kong sambit sa kaniya. Ang layo kasi ng canteen namin dito sa clasroom namin. Gayunpaman, pilit pa rin kaming pumupunta doon upang bumili ng pagkain tuwing recess.

"Pero hindi pa ako tapos gumawa ng takdang aralin natin kay Ms. Liluec, Saadia. Mau-una na ako." Pagpapaalam nito sa akin at tumakbo na ito papalayo.

Naupo na muna ako sa bandang gilid upang magpahinga. Sinabihan ko rin si Margaux na hindi muna ako makakapasok sa time ni Ms. Liluec dahil may gagawin pa ako na kailangan ko ng tapusin ngayon.

Napa-angat ako ng tingin nang may humintong sapatos sa tapat ko, kasabay nito ang pagliwanag ng paligid at hawak hawak ang kamay ko ng isang lalaking hindi ko inaasahang si Joross.

"Kamusta ka, Saadia? Hinintay kaya kita bumalik rito," Nakangiting tugon nito sa akin. Mababakas mo din sa mukha niya na masayang masaya siya ngayon at maganda ang araw niya ngayon.

Hindi ko namalayan na nginitian ko rin siya ng pabalik. Ewan ko ngunit na-akit ako ng sobra sa kaniyang abot langit na ngiti, kumikininang na mga mata at perpektong mukha nito. Makikita mo ring presko tingnan ang kaniyang mukha ngayon.

"Huy!" sigaw nito. Tinabi ko muna ang kaniyang sinabi dahil nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya. Pinisil nito ang kaliwang pisngi ko dahilan na namula bigla ang dalawang tenga ko. Kasabay rin nito ang pag gising ko sa katinuan.

Bumuntong-hininga muna ako sabay tumayo. "U-uh, s-sorry." Nauutal kong sambit. Nakakahiya! Bakit 'di ko ma-kontrol ang sarili ko na hindi siya titigan!

Tumango na lamang ito at binigyan ako ng tipid na ngiti.

"May sasabihin ako sa'yo, Joross."

"May sasabihin ako sa'yo, Saadia."

Magkasabay naming singhal sa isa't isa. Napatawa ako nang magkasabay kaming may sasabihin sa isa't isa na pati rin siya'y napatawa rin ng patago.

"Sige, ikaw na muna, Joross." Pagpapa-ubaya ko.

Biglang kumirot ang dibdib ko nang makita kong unti-unting tumulo ang kaniyang luha. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang umiyak? Anong nangyayari? Anong gusto niyang sabihin sa akin?

Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit at tinanong, "Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. Hindi na din paawat ang pag tulo ng aking mga luha. Rinig ko na rin ang paghikbi niya dahilan na mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Ito na ang huli nating pagki--," Naputol ang kaniyang sasabihin nang unti-unti na siyang lumaho. Sinubukan kong hawakan muli ang kaniyang kamay ngunit huli na ang lahat.

Dream TravellerWhere stories live. Discover now