"Maraming salamat dahil narito ka, Margaux. Napakaswerte ko dahil may kaibigan akong kagaya mo, Margaux. Maraming salamat." Pagpapasalamat ko. Nakita ko namang binigyan niya ako ng tipid na ngiti.
Sa mga oras na ito, narito kami ni Margaux sa classroom habang nagyayakapan.
Narito na ako ngayon sa bahay dahil maaga akong pinauwi ni Margaux dahil sa kalagayan ko ngayon. Dali-dali akong umakyat sa taas at pumunta sa kuwarto upang matulog. Nag babakasakaling mapuntahan ko ngayon ang panaginip ni Joross. Gusto ko talagang maka-usap muli si Joross kahit sa panaginip lang upang tanungin kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin sa akin.
Napakadilim ng paligid. Wala akong makita kung hindi'y dilim lamang. Wala rin akong mahawakang bagay dahil sa dilim na nakapalibut sa akin ngayon. Naalala ko nalang bigla 'yong sinabi sa akin ng ibang kasamahan kong Dream traveller.
"Dilim lamang ang nakapalibut sa'yo tuwing gising o hindi nananaginip ang taong pinuntahan mong panaginip,"
Ang katagang na 'yon ay paulit-ulit na nag e-echo sa panrinig ko. Bakit ngayon pa! Kailangan ko siyang kausapin ngayon!
Bumaba na muna ako't nag pahinga muna saglit. Kasalukuyang mag isa lang ako rito sa bahay dahil umalis si Inay. Nakatingin ako ngayon sa kawalan habang iniisip si Joross. Hindi ko napansin na gabi na pala ngunit hindi pa dumarating si Inay. Wala kasing mag babantay dito sa baba kapag tumaas ako. Sa tagal na pag hihintay ko kay Inay, nainip na ako kaya napagdesisiyonan kong tumulog na't tingnan na kung nananaginip na ba ngayon si Joross.
Narito na ulit ako. Dilim pa rin ang nakapalibut sa akin ngayon. Ang ibig sabihin ba nito'y hindi pa siya tulog at nananaginip? "Nag aalala na ako sa'yo, Joross!" Mahinang hasik ko sa sarili ko.
"Joross, nasaan ka na? Nag-aalala na ako sa'yo! Wala namang ganiyanan oh! Gusto kitang maka-usap ngayon!" Sigaw ko sa palagid habang tuloy-tuloy ang pag tulo ng aking luha. Hindi pa rin ako tumitigil sa kahihintay kay Joross sapagkat nagbabakasakali pa rin akong managinip siya ngayon. Napatulala ako at bigla kong naalala ang sinabi sa akin noon ng aking kapwa dream traveller.
"Isang bagay lang iyan, marahil ay tuluyan niya ng iniwan ang kaniyang pag lu-lucid dreaming dahil nahanap niya na ang ganda ng kaniyang realidad."
Ang katagang na iyan ay paulit-ulit na nag e-echo sa panrinig ko dahilan na bigla nalang tumulo ang aking mga luha. Paano nga kung gano'n?
Hindi!
Hindi maari!
Hindi ko kaya!
Hindi, hindi, hindi!
"Anak, gising!" Narinig kong sigaw na parang pamilyar sa akin ang boses. Ang boses ni Inay.
Bago ako gumising ay kinusot-kusot ko muna ang aking mata at inilibut ang aking tingin sa paligid. Ang una kong nakita ay ang mukha ni Inay. Mababakas mo sa mukha nito na labis siyang nag aalala.
"Anak, anong nangyari? Bakit ka umiiyak habang natutulog?" Hindi mapakaling tanong ni Inay.
Bumuntong-hininga muna ako bago ko yakapin si Inay at doon ko iniyak ang lahat. "Wala po 'yon ma, nanaginip lang akong nakakatakot." Sagot ko. Hindi niya naman ako papaniwalaan eh kapag sinabi ko sa kaniya ang totoo. Niyakap na lang ako ni Ina ng napakahigpit nang marinig niya ang pag hikbi ko.
Iniligpit ko muna ang aking hinigaan at sabay na kami ni Inay bumaba upang kumain. Ilang minutong lumipas ay lumabas na muna ako upang mag pahangin.
"Bakit gano'n? Bakit hindi siya nag paalam sa akin na hindi na pala siya mag lu-lucid dreaming? Masaya na ba siya ngayon sa kaniyang realidad?" Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kawalan. Na para bang wala ako sa sarili ko, sa katinuan.
"Oo, hindi na ako babalik sa aking pag lu-lucid dreaming dahil nakita ko na ang ganda ng aking realidad. Ikaw, Saadia. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na ako bumalik dahil isa ka sa mga magandang nangyari sa realidad ko." Napalingon ako nang may marinig akong pamilyar na boses sa likod ko dahilan na napatingin ako rito. Unti-unting tumigil ang pag ikot ng mundo ko nang makita ko muli si Joross. Hindi sa panaginip, kung hindi'y totoo na, sa harapan ko na.
Napatayo na lang ako't niyakap ng napakahigpit si Joross. Hindi pa rin ako makapaniwalang narito na siya sa harapan ko habang yakap yakap ko siya.
"Maraming salamat, Joross dahil narito ka na. Hindi sa panaginip mo, kung hindi'y totoo na, sa harapan ko na." Tugon ko habang tuloy-tuloy ang pag agos ng aking mga luha.
Niyakap niya rin ako ng pabalik dahilan na biglang nag init ang aking mukha.
"Babalik ako, Saadia para sa'yo," Sambit nito sabay ngiti ng bahagya.
Inalis ko na ang pagkakayakap kay Joross at tiningnan ko ito na parang may malalim na kahulugan ang kaniyang binitawang kataga.
"Bumalik ako dahil napagtanto kong mahal na pala kita, Saadia." Dagdag pa nito. Nag echo sa panrinig ko ang kaniyang sinabi dahilan na nag init na naman ang aking mukha.
Inilapat niya ang kaniyang kaliwang kamay sa pisngi ko at pinunasan ang aking mga luha, "I love you, Saadia. Umasa kang hindi na ulit ako aalis sa tabi mo." Ani nito. "I love you too, Joross." Sambit ko.
Ngayon ko lang napagtanto na ang lapit na pala namin sa isa't isa. Ramdam ko na rin ang init ng kaniyang hininga. Umatras muna ako ng kaunti ngunit hawak-hawak niya ngayon ang baywang ko kaya hindi ako naka-atras. Yumuko na lamang ako dahil sa nararamdaman kong kaba ngayon. Laking gulat ko nang nagkadakit ang aming labi dahilan na na-istatwa ako sa tinatayuan ko ngayon at biglang nag init ang aking mukha.

YOU ARE READING
Dream Traveller
FantasiLet's witness the love story of Joross Montebon and Saadia Pimentel. Mapa-panaginip man iyan o mapa-reyalidad!