Dream 1

40 2 0
                                    

"Sana nama'y maganda 'yong mapuntahan kong panaginip ngayon. Nai-inip na ako!" mahinang hasik ko sa sarili ko habang nag lalakad.

Kasalukuyang nag lalakbay ako ngayon sa iba't ibang panaginip. Well, kung sila'y Lucid dreamer, ako naman ay isang Dream traveller. Ang gawain ko lamang ay mag lakbay nang mag lakbay lang sa kani-kanilang mga panaginip.

Marami na rin akong na-encounter na iba't ibang panaginip. May nakakatakot, nakakalungkot at napakasaya.

Maituturing ko ring isa 'to sa napakagandang kakayahan na mayroon ako.

Nag lalakad lakad lang ako habang nakatingin sa kawalan. Naghihintay kung saang panaginip ako makakapasok ngayon.

Napa-angat ako ng tingin nang biglang lumiwanag ang paligid. Bumuntong-hininga muna ako at saka pumasok.

Nakikita ko ngayon ang mga batang abot langit ang mga ngiti habang lumalaro ng habul-habulan sa damuhan. Nang biglang may tumapik sa kamay ko. "Pst! Sasali ka po ba?" ani ng isang bata. Binigyan ko na lamang itong tipid na ngiti sapagkat wala akong oras para sa mga ganiyan. Gusto ko kasing madatnan ang pinupunto ng panaginip na ito.

Nilalanghap ko ang sariwang simoy ng hangin dito at tinitingnan lang ang mga batang nag hahabulan. Napatalon ako nang may dumapong kamay sa balikat ko. Agad ko itong inalis at lumayo ng kaunti sa kaniya.

"U-uh, Sorry. Hindi ko sinasadya. Kailangan ko lang talaga ng kausap ngayon," pagpapaliwanag niya.

"Alam kong Dream traveller ka." pagpapatuloy pa nito. Napakunot-noo ako nang marinig ang katagang binitawan niya.

Paano niya nalaman?

"B-bakit mo alam na Dream traveller ako?" nahihiyang tanong ko sa kaniya. I don't know but curiosity is killing me inside. Gusto kong malaman kung paano niya nalaman? Matagal na ba siyang nag lu-lucid dreaming?

"Kasi narito ka ngayon sa panaginip ko. Bilang at alam ko kung sino lang ang mga naririto sa panaginip ko. Samantalang ikaw ay kakapasok lang rito," pagpapaliwanag nito sabay ngiti ng bahagya. Tumango na lamang ako at binigyang tipid na ngiti.

Walang imik kong pinagmamasdan ang mga batang nag hahabulan sa 'di kalayuan samantalang siya'y 'di mapakali at para bang hindi alam ang gagawin.

"Joross nga pala." pag sisira nito sa nakakabinging katahimikan.

Bumuntong-hininga muna ako at binigyan ko itong tipid na ngiti at sabay siyang inaabrasahan. "Saadia."

Pareho naming pinagmamasdan ang mga bata sa 'di kalayuan. Tiningnan ko ng patago si Joross at mababakas mo rito na aliw na aliw siya sa mga batang nag hahabulan. Mababakas mo rin sa mukha nito na gusto niyang sumali sa laro ng mga bata kaya binulongan ko 'to.

"Tara!" masiglang sigaw nito sabay tayo habang hawak hawak ang aking isang kamay. Naramdaman kong nag init ang aking mukha at pati na rin ang sa kaniya.

Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko at pumunta na sa kinaroroonan ng mga bata. Inalok na niya ako na makilahok rin ako sa kanila. Wala akong magawa kung hindi'y sumang-ayon na lang dahil alam kong magiging masaya ito.

__
"Saadia, gising! May transferee raw sabi ni Ma'am!" sigaw ng aking mga kaibigan kasabay rin nito ang sabay-sabay na hiyawan ng aking mga kaklase. Kinusot-kusot ko muna ang aking mga mata at inilibut ang aking paningin sa paligid.

Dito ako natulog sa clasroom?!

"Quite, class. Mag pakilala ka na." ani ng aming guro sabay idinako ang tingin sa transferee.

"I am Jorros Montebon. Nice meeting you all." pag papakilala nito at ngumiti.

Napunta sa ekspresyong gulat ang aking mukha na ang taong nasa harapan ko ngayon ay ang napasukan kong panaginip kanina?!

Pinaupo na ito ng aming guro sa bandang kaliwa ng inuupuan ko. Bumuntong-hininga ako at lumingon sa kaniya. Nag tama ang aming mga tinginan kaya dali-dali kong inilipat ang aking tingin sa ibang bagay.

Dream TravellerWhere stories live. Discover now