Dream 3

33 2 0
                                    

"Ito na ang huli nating pagki--," Naputol ang kaniyang sasabihin nang unti-unti na siyang lumaho. Sinubukan kong hawakan muli ang kaniyang kamay ngunit huli na ang lahat.

"Gumising ka, Saadia!"

"Saadia!"

"Gising na, Saadia!"

Nagising ako nang marinig ko ang mga sigawan nila sa akin habang hindi na paawat sa pag iyak. Kinusot-kusot ko muna ang aking mata at inilibut ko ang aking tingin sa paligid. Laking gulat ko na narito pala ako sa Clinic ng school namin. Teka, bakit ako nandito? Anong nangyari?

"Saadia, mabuti nama'y gising ka na!" Nag-aalalang sambit ni Inay sa akin sabay yakap sa akin ng mahigpit. Nakita ko ding nasa tabi ni Inay si Margaux. Mababakas mo ding nag alala din siya sa akin. Nginitian ako ni Inay at umalis na ito.

"Tell me, anong nangyari?" Tanong ko kay Margaux. Hindi niya kinibo ang aking tinanong dahil nakatulala pa rin siya sa akin hanggang ngayon.

Nakita kong may namumuong luha sa kaniyang mga mata dahilan na nakaramdam ka agad ako ng kirot sa dibdib at pag aalala. Ang pinaka-ayaw ko talaga ay ang makita kong umiiyak ang aking kaibigan. Niyakap ko na lamang ito ng mahigpit upang tumigil na sa pag iyak. "Margaux, anong nangyari? Tell me." Dagdag ko pa.

"Pagkatapos kong ipasa 'yong takdang aralin ko, binalikan kita do'n sa tinigilan natin kanina no'ng pumunta tayo sa canteen. Nang pag balik ko, nakita na lang kitang naka-upo sa bandang gilid, natutulog habang umiiyak at parang binabangungot ka no'n kaya pinatawag ko ka agad si Ms. Liluec upang dalhin ka rito sa clinic. Alam mo bang nag alala ako sa'yo kanina." Pagpapaliwanag nito sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Napatingin bigla ako sa kawalan habang inaalala 'yong nangyari kanina. Ang ibig sabihin ba no'n ay doon sa tinigilan ko'y doon ako natulog at nanaginip? Hindi!

Sumagi din sa isipan ko 'yong napaginipan ko kanina kasama si Joross. Ano 'yong gusto niyang sabihin sa akin?

ITO NA ANG HULI NATING PAGKI--

ITO NA ANG HULI NATING PAGKI--

ITO NA ANG HULI NATING PAGKI--

ITO NA ANG HULI NATING PAGKI--

ITO NA ANG HULI NATING PAGKI--

Nag-echo sa pandinig ko ang katagang binitawan ni Joross kanina sa panaginip niya nang kami'y muling nag usap dahilan na nag alala ako sa kung ano ang kaniyang kalagayan ngayon. Ang huli ko na lang kasing natandaan ay 'yong unti-unti na siyang naglaho.

Hindi ako nag dalawang isip na hanapin si Joross sa classroom, canteen at kung saan pa man 'yan. Binitawan ko na ang pagkakayakap sa akin ni Margaux upang hanapin si Joross.

"Saan ka pupunta, Saadia? Magpahinga ka muna," Pagpipigil niya. Kasabay rin nito ang paghawak ng mahigpit sa kamay ko. "Anong nangyayari sa'yo?" Dagdag pa nito.

Wala na akong pake sa kalagayan ko ngayon, ang tanging gusto ko lang ngayon ay malaman kung mabuti ba ang kalagayan ni Joross ngayon. Ano ba 'yong sasabihin niya sa akin? Ano ang gusto niyang iparating kanina doon sa katagang binitawan niya? Nalilito na ako!

"Saadia!" Bulyaw ni Margaux. Hindi ko na ito pinansin. Tumakbo na ako papalayo upang hanapin si Joross.

Papunta na ako ngayon sa classroom upang tingnan kung nandoon ba si Joross. Nabuhay ang aking diwa nang makita ko si Joross habang nakatingin sa ibang bagay. Na para bang wala siya sa katinuan.

Hindi ako nag dalawang isip na lapitan siya't tanungin kung mabuti ba ang kalagayan niya ngayon, kung ano ba ang sasabihin niya sa akin, kung ano ba ang gusto niyang iparating sa katagang binitawan niya noong huli kaming nag usap sa panaginip.

"Joross, anong gusto mong sabihin sa akin kanina noong muli tayong nag usap sa panaginip mo? Tell me!" Singhal ko habang niyuyugyog ang kaniyang balikat. Kasabay din nito ang pag tulo ng aking luha sa sahig.

Kasalukuyang pinapalibutan ako ngayon ng aking mga kaklase habang nag bubulongan. Mababakas mo din sa mukha nila na baliw na ang tingin nila sa akin dahil sa ginagawa ko ngayon kay Joross. Gayunpaman, hindi ko na ito pinansin bagkus ay pinag patuloy ko na ang ginagawa ko. Gusto ko lang naman malaman kung ano ang gusto niyang sabihin kanina sa akin noong muli kaming nag usap sa panaginip niya ngunit hindi niya ito pinansin.

Bigla na lang sumagi sa isipan ko, bakit ko 'to ginagawa? Bakit nag aalala ako ng sobra sa kalagayan niya? Bakit kapag hindi ko siya nakikita parang hindi kompleto ang araw ko? Bakit? M-mahal ko na ba siya? Mahal ko na ba si Joross?

Nakayuko ako ngayon sa harapan niya habang hindi na paawat sa pag iyak sapagkat hindi niya pa rin sinasagot ang aking mga katanungan. Nabigla nalang ako nang inilapat niya ang kaniyang kaliwang kamay sa balikat ko.

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. At mas lalong hindi ko alam kung bakit mo sa akin tinatanong ang mga 'yan. Hindi rin kita kilala." Pagpapaliwanag nito at patuloy na itong lumakad papalayo.

Sa katagang binitawan niya'y biglang nadurog ang puso ko kasabay rin nito ang sunod-sunod na pag tulo ng aking mga luha sa sahig. Nakaramdaman na rin ako ng kahinaan ng tuhod ko dahilan na napaluhod na lang ako sa harap ng aking mga kaklase.

"Saadia!" Sigaw sa akin ni Margaux. Nagsi-alisan na rin ang mga kaklase ko. Ang iba'y nag recess na at ang iba nama'y nasa sa akin pa rin ang atensiyon.

"M-margaux.." Nanghihina kong sambit sa kaniya.

"Ano bang nangyari? Nag aalala na ako sa'yo, Saadia! Isipin mo naman ako oh, ang kaibigan mo! Halos mahimatay na ako sa'yo dahil lang sa pag aalala ko sa'yo!" Singhal ni Margaux. Kasabay rin nito ang pagkayakap sa akin ng mahigpit ni Margaux. Niyakap ko na lamang ito pabalik upang patahanin ang sarili ko.

"Maraming salamat dahil narito ka, Margaux. Napakaswerte ko dahil may kaibigan akong kagaya mo, Margaux. Maraming salamat." Pagpapasalamat ko. Nakita ko namang binigyan niya ako ng tipid na ngiti.

Sa mga oras na ito, narito kami ni Margaux sa classroom habang nagyayakapan.

Dream TravellerWhere stories live. Discover now