Haayy.. Ang boring talaga ng life, parang buhay. Hahaha. Ano daw? Gulo q no?
Well, paano ba naman di magiging boring eh kasi kakastart na ng class. June na eh. Haaayy. 1 week na ata kaming walang ginagawa dito sa school. Start pa lang kasi ng pasukan kaya wala pa masyadong lesson.
Eto ako, nakapangalumbaba sa desk ng upuan ko. Parang si Ninoy Aquino lang sa 500 pesos. Hahaha.
Napansin ko na lang may lumapit sa harap ko.
Napatingin ako.
“May kakilala ka bang Tricia ang name?” tanong sakin nung lalaki.
“So?” tapos nagrolled eyes ako. Ganyan talaga ako, walang interest sa mga lalaking kumakausap sakin.
“Tama nga, kaw nga siguro ung Rose, ang sungit mo pala talaga.” Napangiti siya.
Cute ng dimples niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti, d ko naman maalalang nakilala ko na siya. Kung ipapadescribe niyo siya sakin, well gwapo/cute siya, medyo di naman katangkaran sakto lang at moreno.
At higit sa lahat, hindi pa rin talaga ako interesadong makipag-usap.
“Kilala ba kita?? Paano mo nalaman pangalan ko?” naiirita kong sabi.
“I’m Paulo. Tricia’s boyfriend.” Inabot niya kamay niya para makipagshake hands at ngumiti.
Tiningnan ko lang kamay niya at tumingala ulit ako sa mukha niya. Nakaupo pa rin ako at siya ay nakatayo.
“Ah? Okay.” At tumingin na ko sa ibang direksyon.
BINABASA MO ANG
A Stupid Thing called DESTINY
Novela JuvenilManiniwala ka pa kaya sa Destiny pag nabasa mo to? Tulad ng isang babaeng di naniniwala sa Destiny, mababago pa kaya ang paniniwala niya? Or masasabi na lang niya ulit na, Destiny-- a stupid thing. Tadhana talaga, mapaglaro :)) Don't forget to Vote...