Chapter 2

9 0 0
                                    

Chapter 2

"Anubayan! Ang kati naman nitong damit na pinasuot mo sakin, Amelia! Urgh! Pwedeng magpalit nalang ako?" Angal ko.

Papunta kasi kaming party ngayon. Hindi ko kilala kung sino 'yung may party at 'di rin daw niya kaibigan 'yun pero binigyan daw siya ng invitation kaya go lang daw. Ganyan kakapal ang mukha ng babaeng 'yan. Tapos ngayon pinasuot pa ako ng napaka kating shining shimmering splendid na tube dress. Kainis!

Sinabi niya kasi sa akin nung isang araw nung pumunta ako sa bahay niya na imbes daw na magmukmok ako at mag-iiyak sa bahay, mag inom nalang daw ako at magparty. O diba ang bait na kaibigan. Wala manlang akong makuhang mabuting advise. Tapos ako naman itong sumunod. Ayyyss!

"Okay na 'yan! Saka anong ipapalit mo diyan? Jacket tapos jeans? Hello, sa party tayo pupunta hindi tayo papasok ng school." Inirapan niya ako habang inaayos ang mahaba niyang hikaw. Urgh! Kainis!

Hinayaan ko nalang na ganito ang kasuotan ko kahit medyo labag, I mean labag talaga sa kalooban ko. Kainez! Napaka kati! At parang maalikabok pa itong dress na ito. Naku baka mag occur yung allergy ko! Argh!

Habang nag-aayos si Amelia ng sarili niya ako naman itong dutdot ng dutdot sa cp ko. Kanina pa yang babaeng yan! Jusko 10 years kung mag ayos!

Habang nagsscroll ako sa IG ay naisipan kong istalk si Rome. O diba, ganito ako ka-desperadang malaman kung anong nangyayari sa kaniya. So I search his name pero nadurog nanaman ako nang malaman kong binlock niya ako. Shutek?! Nag try pa ako sa iba kong mga social media accounts pero wala din! Naka block din ako!

Wow! Tagong tago ah?

Aarrggghhh!!!

Dahil dakilang desperada talaga ako ay gumawa ako ng isang account sa FB. I search his name then booOm! I saw it! Talagang naka public huh? Wow. Ang sweet nila sa picture nung babaeng kasama niya sa mall last time. Magkayakap sila sa picture at nakahalik si Rome sa noo ng babae. May caption pa na "My love."

WoooOow! Ang sweeeeeeet!

Kinikilig ako! -,-

Nagulat ako nang biglang magsalita si Amelia na nakikiusosyo na pala sa likuran ko.

"Kung ayaw mo masaktan, 'wag mo kase tingnan, hmmMm." Pinandilatan pa ako ng mata. Tapos na siguro siya.

Inirapan ko lang ang ingrata. This is her fault. Kung hindi ba naman siya 10 years kung magpaganda diba.

Pero medyo kasalanan ko rin.

"Bilisan mo kase-"

"Tigilan mo na kase."

Leche.

**********@&$)0#

"Amelia 'wag na tayo tumuloy-aray teka, Amelia!"

"Woooohhh!!"

Kainez.

"Huy, 'wag na!-aray-ouch! Hoy, Amelia, KALMA!"

Potek masakit! Masakit na nga puso ko tapos papasakitin pa yung katawan ko dito sa party na 'to? Ang wild ng mga tao dito! Dumadagdag pa ito si Amelia. Jusko ang ingay ingay ng babaeng 'to! Teka nga, parang party niya e.

Party mo, Amelia? Party mo? Party mo?

"Ano ba 'yon?" Sabi niya pa sakin pagpunta namin sa di masyado maraming tao na part ng party.

"Anong ano ba 'yon? Andaming tao oh. Di mo ba kita?" Inirapan ko siya.

"Kita ko, duh." Umirap din naman ang ingrata. "Of course maraming tao kasi party toh. What do you expect? Lima lang tao dito? Yan! Hindi ka kasi sanay pumunta sa mga party. Paano laging si Rome 'yang kasama mo tapos hindi mo alam niloloko ka lang naman pala."

Whut?? How did she know?

Bago ko pa tanungin sa kaniya kung paano niya nalaman iyon ay hinila na niya ako palapit dun sa dance floor at nagsasayaw siya. Ako naman ay nag ssway lang ng katawan ko, masabi lang na sumasayaw ako. Ganito ba yung party? Paano ba?

May isang lalaki na lumapit kay Amelia at sumayaw kaya itong ingratang babae na 'toh ay mas lalong ginalingan ang pagsasayaw na ikinagulat ko. Srsly?? She looks like a slut the way she dance! Hindi ko alam gagawin ko. Patitigilin ko ba siya o ano? Argh! Ganito ba talaga ang party? Ang alam ko kasi na party yung maraming pagkain. Nasan ba ang pagkain dito? Bakit puro alak.

Medyo lumayo nalang ako sa kanila at maya maya ay naramdaman ko na may humaplos sa bewang ko. Lilingunin ko dapat pero bago ko pa malingon iyon ay may humatak na sa akin palayo doon.

Hindi ko ito kilala. Sino ba ito? Hindi ko makita yung mukha niya dahil nakatalikod siya na hila hila ako. Hindi ko na magawang magpumiglas dahil siksikan na nga at sobrang dami talagang tao. Lintek saan ba ako dadalhin nito.

"Hoy! Teka sino ka ba? Bitiwan mo nga ako—aray naman! Dahan dahan!" Sigaw ko dahil halos nakakaladkad na ako sa paghila niya sa akin.

Lalaki po itong humuhila sa akin kaya malakas.

Tumigil siya nung nakalayo na kami sa mga tao. Nasa pinakagilid na kami at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na crowded. Wuhoo!

Hinarap niya ako at tinanggal ang salamin na suot suot niya. Ilang beses ko pa inisip kung sino itong lalaking ito hanggang sa narealize ko na siya pala si Primo, yung hinalikan ko.

Wtf!!!!!!

Nanlaki talaga ang mata ko at napanganga. Anong gagawin ko? Aalis ba ako? Wag na 'no? Sayang gwapo pa naman. Ay hindi! Ano ba 'yang isip na yan, Julia? Aish!

Nakaramdam talaga ako ng hiya at feeling ko namumula narin ako dahil sa kahihiyan. Nakatitig din lang talaga siya sa akin kaya nakadagdag pa iyon sa pagkahiya ko. Tamang iwas nalang ng tingin. Jusko!!

"Naligaw ka ba? Why are you here?" Aniya habang nakahalukipkip.

"Huh? Hindi, nandiyan 'yung kaibigan ko sinamahan ko lang." Wag kang titingin sa mata niya, Julia. Please lang.

"Alam mo ba kung kaninong party ito?" Tanong ulit niya. Argh! Ewan ko ba pero kinakabahan talaga ako ng bonggang bongga.

Umiling lang ako at umiwas ng tingin pero siya nakatitig parin sa akin. Nakakaconsious!  Samahan pa ng pag head-to-toe na tingin niya sa akin. Arrrghhh!!!! Kinikilabutan talaga ako!

"Ehem. Ahm, balik na siguro ako dun. Baka hinahanap na ako ng kaibigan ko. Sige, bye na. Hehe." Bigla ko siyang tinalikuran at naglakad ng mabilis.

"Hey, what about the kiss?!!" Natataranta niyang sigaw.

Napatigil tuloy ako at huminga ng malalim. What the f talaga!! Nakaka stressss!

Dahan dahan ko siyang nilingon.

"Primo, I'm sorry. Hindi ko sinasadya 'yon. Kinailangan ko lang 'yon gawin kasi....kasi ano..ahm.." isipin mo Juliaaa!

Bago ko pa matapos iyon ay lumakad siya papalapit sa akin at bahagyang yumuko upang magkatapat ang mga mukha namin. Shocks! Hahalikan ba ako nito? My ghad! No way! Wag po!

"You think papayag ako na sorry lang yon?" He chuckled. "Hindi." Sabi niya at nilayasan niya ako.

Ano daw? Ano bang gusto niyang gawin ko? Lumuhod ako sa harapan niya? Sambahin ko siya? Aba! Hambog toh ah.

Nilingon ko siya at sisigaw pa sana pero lumingon din siya at kinindatan pa ako

At dun na ako namatay

Chos.

Creamer On My CoffeeWhere stories live. Discover now