Chapter 1
Greek God
Sinukat ko ang salamin na kulay blue at tumingin sa mirror. Maganda naman siya. Pwede na.
Nasa EO ako ngayon at bibili ako ng salamin dahil nga naiwan ko yung salamin ko sa table namin kagabi ni Rome. And about Rome, pinaulanan niya ako ng sorry sa text. Kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko ang sim ko sa cp ko at tinapon. Gustong gusto ko talagang magkabalikan kami pero tingin ko malabo na. Galit talaga ako promise.
"7,500 pesos, ma'am." Sabi ng babaeng nasa counter.
Binigay ko ang pambayad at isinuot na ang salamin ko. Lumabas ako sa EO at napagdesisyunan ko na kumain muna dahil nagugutom na ako. Mamaya ay pupunta ako kila Amelia na kaibigan ko para makipag-usap tungkol sa break up namin ni Rome. I need someone to talk with, I need someone to listen. Di ko kayang sarilihin ito. Feeling ko anytime ay sasabog ako.
Naglakad lakad ako upang makapili kung saan ako kakain. Karamihan dito ay puro pang-mayaman na kainan. Onti lang ang mumurahin kaya nahihirapan akong humanap ng kakainan. Wala naman akong pera para kumain sa mga mamahaling restaurants.
Pumasok ako sa isang coffee shop. Umorder lang ako ng kape at pie. Nang makaorder ay umupo ako sa bakanteng seats. Nilabas ko ang journal ko pati ang paborito kong ballpen. Isusulat ko ang schedule ko sa lunes para sa part time job ko sa isang hotel. Yes, working student ako. Kailangan kong gawin ito para masuportahan ang sarili ko. Sinusoportahan naman ako ng mga magulang ko pero nahihiya na akong tumanggap sa kanila lalo na't malaki na ako. Kaya ko naman suportahan ang sarili ko bakit kailangan ko pang humingi sa kanila?
Nang maubos ang pie ay tumanaw ako sa malayo habang umiinom ng kape. Pinanood ko ang mga tao na pumapari't parito hanggang sa nakita ko si Rome...na may kasamang babae.
Napanganga ako nang makita ko silang dalawa. Ang ganda nung babae at kita kay Rome na ang saya niya dahil nagtatawanan silang dalawa.
Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Ambilis naman niya. Kakabreak lang namin kahapon tapos may iba na agad siya ngayon? Wow. Just wow. Bakit parang ang dali lang sa kaniya na palitan ako samantala ako hinahanap hanap ko parin siya? Bakit?
Dalawa lang 'yan. It's either mas mabilis pa siya sa kidlat kung makahanap ng iba o nakahanap na siya ng iba nung kami palang dalawa.
Leche! Parang napaglaruan ata ako 'dun ah? Kung ano ano pang dinahilan niya sa akin na kesyo hindi na daw siya masaya kaya makikipag hiwalay na pero ang totoo may iba na pala talaga. Dapat sinabi niya nalang yung totoo na may third party kaya ayaw na niya. Na he cheated on me. Na naging unfaithful siya. Baka mas okay pa iyon hindi yung nagsinungaling pa siya. Ang peke niya talaga.
Dali dali kong inilagay ang journal ntbk ko sa bag pati ang ballpen. Sinukbit ko ang bag ko at mabilis na lumabas sa coffee shop na ito. Sinundan ko sila at kitang kita ko na ang sweet nilang dalawa. Gusto ko sana silang sugurin at magsisigaw kaso nakakahiya kaya wag nalang.
Pumunta sila sa isang women's wear shop. Siguro ay bibilhan niya ng damit ang babaeng kasama niya. Sumunod ako sa kanila at sinuot ang hood ng jacket ko. Medyo lumayo ako at kunwaring namimili din ng damit ngunit ang mga mata ko ay nakatingin sa kanila.
Nakita kong hinalikan ng babae si Rome sa pisngi at parang ang saya ni Rome doon. Parang may nabasag na kung ano sa loob loob ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ang tanging nagawa ko nalang ay maluha ngunit mabilis ko itong pinunasan.
Bakit ko pa ba kasi sila sinusundan?
Nang makapili ang babae ay binayaran na nila ito sa may counter. Sobrang laki ng ngiti ng babae pati ni Rome. Parang gusto ko nang hilain ang buhok niyang mahaba at pagsasampalin siya ngunit hindi ko talaga magawa. Urgh! I hate this! I hate them! I hate him! Bakit ba niya ako pinapahirapan ng ganito?!