Chapter 4

6 0 0
                                    

Chapter 4

Nakatayo ako sa may waiting shed ng university. Naghihintay ako ng taxi na pwedeng masakyan pauwi. Di ako nagpapasundo kay Papa dahil alam kong busy yon sa trabaho niya kaya commute nalang. Masaya din naman ang buhay ng commuter. Mas lalo na pag jeep or bus yung sasakyan mo.

Maraming dumaan na taxi pero may mga pasahero naman kaya no choice ako kundi maghintay. Saka okay narin kase medyo nakakapag isip ako dahil sa malamig na simoy ng hangin.

Andaming gumugulo sa isip ko. Si Rome. Si Elaine. Si Primo. Basta marami. And the worst this is sabay sabay pa silang tumatakbo sa isipan ko.

May nakita akong taxi na dadaan na walang pasahero kaya agad agad ko naman pinara. Todo kaway pa ako. Tapos bigla lang akong nilagpasan. Luh kainis.

"Edi wag!" Sigaw ko nalang.

Invisible ba ako? Ayaw ata kumita nung driver.

Napapadyak padyak ako at tumingin sa paligid. Baka kase may nakakakita sa akin na nagdadabog. At ayon nakita ko si Primo na palabas ng university

SI PRIMO?!!

Bakit nandito siya?! Bakit suot niya yung uniform ng university?? OMG SCHOOLMATE KO SIYA?

OMG!

Hala, Julia!! Di ka niya pwede makita!

Naghanap ako ng pwedeng pagtaguan sakto naman na may nakita akong magarbong kotse kaya agad akong nagtago dun. Kinakabahan ako! Ewan ko ba!

"Kalma, Julia." Bulong ko nalang sa sarili ko habang hawak ang dibdib ko. Lakas ng tibok ng puso ko!

Hindi ko na makita kung nasaan si Primo. Baka wala na? Ambilis naman maglakad nun.

Lalabas na sana ako ng may biglang nagsalita sa kabilang gilid.

"Anong ginagawa mo diyan?"

Gulat na gulat ako ng makita ko si Primo na nakatingin sa akin.

Jusko, Julia. Kahihiyaaaan! Hiyang hiya na ako! Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Malas!!!!

Ngumiti nalang ako sa kaniya para hindi halata na nahihiya.

"Hehe, ahmm..." Isipin mo! "Wala, ang ganda kase ng kotse eh. Tinitingnan ko lang."

Ngumiti siya at tiningnan nanaman ako ng head-to-toe. It makes me uncomfortable!!! Urgh! Umiwas nalang ako ng tingin.

"Thanks, this is my car actually."

"Ha?" Yan nalang nasabi ko.

Bakit ba ang malas ko?! Bakit sasakyan pa niya yung napagtaguan ko? Bakiiiiit?!

Tumawa siya dahil sa reaksyon ko kaya mas lalo lang akong nahiya. Gustong gusto ko na lumubog nalang dito sa kinatatayuan ko. O kaya maglaho na parang bula. Nakakahiya!

"Iyo to?" Turo ko pa sa kotse.

Tumango siya at pumunta sa harapan para buksan ang pintuan sa may passenger seat sabay ngisi sa akin.

"Hop in, hatid na kita."

"Huh??" Laglag ang panga ko nang sabihin iyon. Seryoso ba sya? Linsak!

"Mahirap na sumakay ngayon, rush hour. Ako nalang maghahatid sa iyo." Aniya at naghihintay parin na pumasok ako sa kotse nyang magarbo.

Nagdadalawang isip ako kung magpapahatid ako sa kanya o wag nalang. Nakakahiya kasi. After ko siyang i-kiss and run aalukin nya pa ako ng libreng ride. Awkward!

"Ahm, wag na. May masasakyan din akong taxi maya maya lang." Ngumiti ako ng pilit .

"Ihahatid kita o ibabalik mo yung ninakaw mong halik?" Maangas niyang sabi at nagpamulsa sabay ngisi sa akin.

Creamer On My CoffeeWhere stories live. Discover now