Prologue
"Hey, babi! I missed you!"
I said and lean in to kiss him but he stopped me. I was surprised but I don't give a damn.
"You missed me?" Tanong ko at ngumiti ng matamis. He did too but his eyes? I don't think so.
"Yeah. I missed you. Of course." Aniya at sumubo ng pagkain. I did too. "How are you, Julia?"
"I'm okay, Rome." Napangiti ako ng lihim. "You?"
"I..I'm okay." Ngumiti ang labi niya ngunit ang mata ay nanlulumo.
Tinitigan ko siya ng mata sa mata hanggang sa umiwas siya ng tingin.
"You sure?" Tanong ko ulit.
Bumuntong hininga siya at ginalaw galaw ang pagkaing nasa harap namin. Napatingin ako dun. Ano bang problema? Is there something wrong? Ang saya pa namin kahapon ng babi ko pero bakit parang ang lungkot niya ngayon? May nangyari bang hindi maganda? O may mangyayari palang na hindi maganda?
"Matagal ko nang pinaplanong gawin ito because I think this is the right thing to do..." He said, not giving me a look.
Kinakabahan na ako. Parang alam ko na ang mangyayari. Pero nananalig parin ako at umaasa na 'wag naman sana. Na 'wag naman niyang gawin ang nasa isip ko. Sana iniisip ko lang ito at hindi magkatotoo.
"What was that?" Nanginginig na ang boses ko.
"I think...we need to cut this off."
What???
"Cut what, babi?"
"Our ralationship. Let's break up."
No no no no no!!
Mabilis na namuo ang mga luha sa mata ko hanggang sa maging blur na ito. Pinipigilan kong tumulo ito pero hindi ko mapigil kaya mabilis ko nalang itong pinunasan.
Anong break up ba sinasabi niya? Nagbibiro siguro ito. Masaya naman kami kahapon ah.
"What? Why? We're happy right?—"
"No, Julia. We're not. Oo, baka masaya ka. Pero ako? Natanong mo ba kung masaya parin ako?" Mahina niyang sabi sa akin. Natunganga nalang ako.
"Sana sinabi mo una palang. I can adjust myself, Rome. Just tell me, what's wrong?" Nagsusumamo kong sabi sa kaniya, halos lumuhod na.
"Walang mali, Julia. It's just I change now. My heart changed. My feelings faded. I-I'm sorry." Yumuko siya at huminga ng malalim.
Natutulala ako. Namemental block ako. Ewan ko kung anong sasabihin ko. Di ko alam gagawin ko. Magmamakaawa ba ako? O papakawalan ko na?
"Please, Rome, don't leave me. Why are you doing this to me? You love me right?" Pilit kong hinuhuli ang mga mata niya at pilit ko ring hinahawakan ang kamay niya pero pilit din siyang umiiwas.
If this is a nightmare, please let me awake.
"No, Julia. Stop. Wala na, Julia. Hindi na. Hindi na kita mahal. Ayoko na. Itigil na natin ito." Inalis niya ang mga kamay ko sa kamay niya at umiling.
Tinigilan ko na siya at hinayaan nalang din ang mga luha ko na umagos. Sobra akong nasasaktan. Matagal na niyang pinaplano ito? So all this time one sided love nalang ito? Ako nalang pala yung nagmamahal? Ang sakit naman. Ako lang daw yung sumasaya? Pero nararamdaman ko naman na masaya siya e. So pinepeke nalang niya yun? Sana nagpakatotoo nalang siya para hindi na sumakit ng ganito yung epekto sakin.
Natulala ako ng sandali sa kaniya. Pinagmamasdan ang mga mata niyang malungkot. Baka naman peke ulit yan?
Lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina napalitan ng galit. Galit kase hindi siya nagpakatotoo. Galit kase nagbago siya. Galit kase nagagawa niyang iwanan ako ng ganito. Galit kase sinaktan niya ako. Galit kase kung umasta at makapagsaita siya parang ako pa yung mali. Ang alam ko kase mahal niya parin ako. Ang alam ko kase masaya KAMI hindi lang ako. Ang alam ko mahal namin ang isa't isa pero hindi na pala.