Chapter 3
"Hello, Amelia? Kanina pa ako nasa cafeteria, nasaan ka ba?" Sinuyod ko pa ng paningin ko ang buong cafeteria mahanap lang siya.
"Wait lang! Kaka-dismiss lang ng class namin. Papunta palang ako diyan. Bye!"
Umirap nalang ako dahil pinatay niya na yung tawag. Almost 30 minutes na kasi ako naghihintay sa kaniya dito sa cafeteria. Ang sabi niya kasi ay magkwentuhan daw kaming dalawa. So ayon pumayag naman ako. Feeling ko din kase may sasabihin siya. Kaya ayon...
Habang naghihintay sa kaniya ay umorder muna ako ng makakain namin para naman hindi sayang yung oras. Saka nagugutom narin ako, hehe^u^
"Miss, dalawang spaghetti, dalawang regular fries, dalawa rin po sa burger, at dalawang sprite." Sabay ngiti ko sa babaeng nasa counter.
"Ahm, 7 minutes po, miss. Willing to wait po?" Nakangiti din niyang tanong kaya tumango lang ako.
Habang hinihintay ang order ko ay napunta ang atensyon ko sa mga tumpok ng mga students na naghihiyawan sa di kalayuan. Hindi ko makita kung anong meron doon dahil bukod sa medyo malayo ito ay natatakpan din 'to ng napakaraming estudyante. Ano kaya 'yon? Wala akong lahing chismosa pero nakakaintriga talaga kung anong meron doon. Pati ang ilang tao dito sa cafeteria ay napinta din doon ang atensyon.
Naaninag ko si Amelia na kinakawayan ako habang ibinababa ang gamit niya sa may lamesa. Tumango lang ako at isinenyas na may inoorder na ako. Tumango din siya at may binasang libro, may exam sila siguro.
Binalik ko ulit ang atensyon ko sa tumpok ng mga estudyante. Maya maya ay may lumabas na lalaking pasuray suray kung maglakad mula sa tumpok na iyon. Medyo pamilyar sa akin kung sino ang lalaking iyon pero di ko matandaan. Parang nakilala ko na siya somewhere pero di ko maalala. Medyo malayo din kasi talaga kaya di ko masyadong mamukhaan.
Napapitlag ako nang biglang pindutin ng babae ang bell na nasa lamesa ng counter, senyales na tapos na ang order. Nilingon ko iyon at naabutan ko ang order ko sa lamesa. Binitbit ko iyon at ngumiti.
"Thanks."
Ngumiti lang din naman siya.
Dali dali akong lumakad papunta sa table namin ni Amelia at binaba ang mga pagkain. Agad naman niyang itinago ang libro niya.
"Review?" Tanong ko.
Umiling naman siya. "Thesis."
Tumango nalang ako at umupo. Inumpisahan ko na kumain at ganun din siya. Di manlang nagtanong kung libre ko ba 'to o hindi basta kain lang ng kain ang ingrata. Grr!
"So kamusta ka naman pagtapos moko iwanan kagabi?" Sabay taas niya ng kilay.
Natawa naman ako ng mahina. Oo umalis na ako sa party pagtapos ko makausap si Primo. Ayoko na, nahihiya na ako para sa sarili ko. Wala na akong mukhang maihaharap. Kaya ayon umuwi nalang ako ng di nagpapaalam.
"S-sorry na. Ano kasi, urgent. Ahm tinawagan ako ni Mama. Hinanap ako bigla." Palusot ko nalang. Please, sana mag work.
"Ahh okay." Aniya at nilunok ang nasa bibig niya bago magsalita ulit. "I have something to tell you."
Interesado ako sa sasabihin niya dahil medyo seryoso siya nang sabihin iyon kaya medyo lumapit ako sa kaniya para marinig ng malinaw.
"Look at there..." Tinuro niya yung babaeng mag-isa sa kabilang table at nagulat ako nang makita ko kung sino iyon.
Yung babaeng kasama ni Rome sa mall.
"Siya 'yung pinalit sayo-"
"Alam ko." Matatag kong sabi. Yan, conceal your pain, Julia.
Nagulat naman si Amelia sa sinabi ko kaya tiningnan ko siya. Hindi nga pala niya alam yung nangyari nung nasa mall palang ako.
"Magkasama sila ni Rome sa mall." Simple kong sabi. Tumingin naman siya sa akin ng mapanghusga.
"Are you spying Rome?"
"No! Well, sort of." Shit ano ba yan! "Nakita ko lang naman silang dalawa sa mall nun, hindi sadya. Edi sinundan ko na."
Tumango tango lang siya at uminom ng sprite saka nagsalita nanaman.
"You better note this..." Lumunok siya. "She's Elaine Reillo. 20 years old. 3rd year, HRM student. Volleyball player siya dito. And highlight this, SHE'S THE ONE MONTH GIRLFRIEND OF ROME, YOUR EX. So meaning to say, isang buwan ka nang niloloko ni Rome. Nung gabing nag break kayo, yun yung monthsary nila. Iyak ka na ghorl."
Natulala nalang ako sa mga sinabi niya. Shit! Isang buwan na palang may iba si Rome. Sana diniretso niya nalang ako na may iba siya. At saka teka saan ba nakukuha ni Amelia yung mga impormasyon na yan? Baka spy 'to? Kelan pa niya alam? Shitt! Kakainin ako ng curiousity ko!
Ngumiti lang siya sa akin na parang nang-aasar. Wala akong masabe grabe, parang namamanhid yung katawan ko pati labi ko at hindi ko maigalaw.
"Gulat ka noh? Ako din eh. Sinabi lang yan sa akin ng partner ko sa thesis. And speaking of thesis, aalis na ako. Kami reporter ngayon." Tumayo na siya at sinukbit ang kaniyang bag.
Bago pa siya umalis ay may sinabi siya sa akin.
"I think the best revenge is to show him that you can move on quickly." Kumindat pa ang wala.
Umalis na siya. Iniwan niya akong tulala.
Ilang segundo pa bago ako nabalik sa ulirat ko. Sobrang lakas ng epekto sakin ng mga sinabi niya. Siguro mas okay nalang siguro na hindi niya sinabi yon -,-
Naisipan ko na tingnan yung fb profile ng girlfriend ni Rome. Sinearch ko ang pangalan niya at nahanap ko naman agad. Bumalaga agad sa akin yung cover photo niya na magkasama sila ni Rome. Gusto kong umiyak pero kailangan ko maging matatag.
Andami ko pang nakita and the worst thing na nalaman ko ay yung lahat ng wala sa akin ay nasa kaniya.
Sabi ko nga kapalit palit ako:<