The Voice

744 56 14
                                    

Zeth's POV:

"Nay! Waaahh! Mamimiss kita!!!" Iyak naman ng iyak tong babaeng to ang sakit sa tenga! Hindi niya ba alam ang salitang tahimik? Tsss.

"OA mo naman anak! Ang lapit lang kaya ng Maynila isang sakay lang eh. Makaiyak ka naman akala mo sa Iraq ka pupunta ka at sasabak ka sa gera." Sabi naman ni Aleng Fely.

"Ehhh nay naman kasi eh!!"

Naglagay na lang ako ng earphones sa tenga ko at nagpatugtog mas masarap pang pakinggan to kesa sa maingay na bibig nun.

Bakit pa kasi sasama yun eh? Bakit pa kasi siya sakin titira eh? May mga maids naman ako para magasikaso sakin. Tsaka baka umingay lang sa buong bahay. Tsss.

Oo nga pala nasabi na kasi sakin ni Tita Stella na sa akin daw titira pansamantala si Loisa dahil kailangan ko daw ng personal yaya dahil di daw ako pwede magpagod. Haynako. Yan ba ang volleyball superstar? Tsss.

"Sige ho Aleng Fely mauuna na kami." Narinig kong sabi ni Tita Stella. Umakyat na sila sa sasakyan.

Ganito ang pwesto namin ngayon.

Tito. Tita.

Dave. Ako. Loisa

Grabe kahit nakaearphones ako rinig na rinig ko pa din yung pagiyak nitong katabi ko. Naririnig ko pa siyang bumubulong.

"Nakakainis naman eh. Sana kasama nalang si nanay" bulong niya pero naririnig ko dahil katabi niya ako.

Bumyahe kami papunta sa Los Banos, Laguna dahil may bibilhin sila tita na lupa.

Tumugil kami sa isang open space na lugar.

"Zeth dito muna kayo ni Loisa ha pupuntahan lang naming mag-anak tong lupa" sabi ni Tito Ferdie. Tumango naman ako bilang sagot.

Lumabas na sila at naiwan kaming dalawa. Pumikit na lang ako kunwari inaantok ako, ayaw ko lang talaga makausap to dahil sa ginawa niya at sa ingay niya.

Gaya ng inaasahan bigla namang nagsalita si Loisa.

"Oy" tawag niya sakin

"Oy alam kong gising ka"

"Uy pogi"

Napamulat naman ako don.

"Hahahaha! Pagpogi ikaw kagad? Haha"

Napailing na lang ako at bumalik sa pagkakapikit.

"Uy galit kagad?"

Patuloy padin siya sa pangungulit sakin. Konti na lang maiinis na ako.

Si Ateng Makulit at Si Kuyang TahimikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon