One over Seven (Breathe)

706 56 14
                                    

Dedicated po ang chapter na 'to sa isa sa pinakahahangaan kong writer sa pinalakang-tabing! Tentenen!! Basahin niyo mga stories niya! The best masakit sa ulo dahil sa twistsssssss! :)

------

Gaya ng inutos ni Ate Mila umakyat ako sa kwarto ni Zeth sa third floor sa may dulong parte na may black and white na pinto. Kumatok muna ako bago ko buksan yung pinto. Gaya ng nakasanayan ko ako na yung kusang nagbubukas ng pinto. Haha.

"Magandang hapon Zeth may dala po akong masarap na merienda na luto ni Ate Mila!" Sabi ko habang hinahanap siya.

"Zeth!" Tawag ko habang nilalagay yung tray sa table niya.

Lumabas naman siya sa isang kwarto sa loob ng kwarto niya tingin ko yun yung closet niya. Mukhang kakatapos niya lang maligo kasi basa pa yung buhok niya.

Tssssss! Sayang! Nahuli ako ng dating! Hahaha. Kung napaaga sana ako edi nakita ko sana! Tsss. Nakita ko sana yung ano! Oo yung ano! Haha. Basta!

"Zeth. May dala akong pagkain. Kainin mo ha masarap yan." Sabi ko tumango naman siya bilang sagot. Pumunta siya sa TV niya at binuksan ito.

"Zeth dyan ko nlng ba dadalhin?" Sabi ko. Tumango ulit siya.

Bad trip naman! Puro tango na lang ba sagot nito? Paano ko maaachieve yung plano ko! Tssss! Alam niyo ba yung plano ko? Gusto niyo ba malaman? Sige! Mag vote kayo at mag comment sa story ko! Hahahaha! Joke! Pero seryoso please vote naman kayo at mag comment para to sa ikauunlad ng pamilya namin! Hahaha.

Pero ito na talaga. Bukod sa "Operation: Make Zeth Happy" may isa pa akong mission ito ay ang "Oplan: BBSA". Gusto niyo ba malaman yung "Oplan: BBSA"? Sige mag vote at comment kayo! Hahaha! Owver!

Pero seryoso na. Ang ibig sabihin ng BBSA sa Oplan na ito ay "Buka bibig sabay amoy". Hahahaha! Ang saya no? Hahaha. Mission kong mapabuka yung bibig ni Zeth para masigurado kong mabango yung bibig niya. Hahaha. Talino ko no? Haha.

Naupo ni Zeth sa sofa sa loob ng kwarto niya habang nanunuod ng basketball.

Nilapag ko yung tray sa center table niya.

"Kain na oh" sabi ko sabay kuha ng garlic bread para ibigay sa kanya. Aba tinignan niya lang ang kamay kong may hawak ng garlic bread.

"Ayaw mong kunin?" Tanong ko. Pero nakatuon naman yung mata niya sa basketball.

"Say aaaaah" sabi ko habang pinanapanganga siya. This is it Loisa! Kapag ngumanganga siya diretso singhot ka na para maamoy mo na! Hihi! Pero wala pa din dahil kinuha niya yung pasta tsaka sumubo. Hayyy! Fail! Pero gaya ng sabi ko! Hindi ako susuko! I am Loisa Rivera the one and only----basta! Haha

Nanuod na lang din akong ng basketball.

"Ang galing ni Lebron no? Pero mas type ko pa din si Kobe" sabi ko habang yung peripheral vision ko nakafocus sa kanya. Trying to look kung tumitingin ba siya sakin. Pero wala pa din kasi focus siya sa pinapanuod niya.

Nakita kong ubos na yung pagkain niya kaya naman tinanong ko siya kung tapos na siya kasi dadalhin ko na yung plato niya sa kusina. Inaasahan ko na sasagot na siya pero tanging tango lang ang sinagot niya sakin.

"Wala ka bang sasabihin?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako na para bang nagtatanong 'anong sinasabi mo?'

"Sabi ko. Wala ka bang sasabihin? Kasi dinalhan kita ng pagkain sa kwarto mo?" Tanong ko ulit. Grabe! Nagdasal na ko ng todo na sana magsalita na siya.

"Thanks"

Nagecho sa tenga ko ang isang salitang yun. Waaaah! Dali dali akong suminghot ng malalim.

Inhale. Inhale. Inhale. Wag kang mageexhale Loisa. Lasapin mo ang mga hanging galing sa bibig niya.

"What are you doing?" Tanong niya sakin. Waaaah! Nagsalita ulit siya.

Inhale. Inhale. Inhale.

"Waaaaaaah!" Dali dali akong bumaba ng kusina dahil sa natuklasan ko!

Zeth's POV:

Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Loisa. Ano ba ang meron sa babaeng yon? Bukod sa siya ang pinaka maingay na nakilala ko bakit sa twing papasok siya sa kwarto ko lagi nalang siya sumisigaw ng 'waaaah' at tatakbo palabas?

Ang weird din kanina dahil singhot siya ng singhot. Hindi ba siya aware sa salitang exhale? Tssss. Ang kulit.

Loisa's POV:

"Ate Mila! Ate Mila! Ate Mila! Guess what?!" Sigaw ko sa garden. Nasa garden kasi ngayon si Ate Mila, Kuya Islao at yung dalawang katulong na walang pangalan na sana pangalanan na ni author para madalian siya.

"Waaah! Sino ka?! Magnanakaw ka?!" Sigaw nilang apat.

"Owver?!" Sagot ko. Nagtawanan naman silang apat.

"Anong nangyari Loisa?" Tanong ni Ate Mila.

"Oo nga. Bakit parang namumutla ka?" Sabi naman ni Kuya Islao.

"Yeah girl. Para kang naubusan ng hininga" sabi naman nung isang katulong na walang pangalan.

"Yeah. According to my stock knowledge. My knowledge is missing" sabi naman nung isa pang katulong. Okay corny! Hahaha

Lumapit naman ako sa kanila

"OMG! Naamoy ko na yung bibig niya!" Sabi ko. "Nakaamoy na ba kayo ng langit?" Dagdag ko. "Ayon ang amoy! Grabe yung pagbuka ng bibig niya! Waaah! Tapos amoy mint! Amoy mint!" Sabi ko pa.

"Nako girl magaamoy mint talaga yun" sabi nung isang katulong na walang pangalan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Malamang nagpabili kasi sakin si Sir ng mintus kanina kaya amoy mint yun" seryoso niyang sabi.

So tatawa na ba ako sa joke niya? Icomment niyo ang sagot! Haha.

"Heh! Letse! Pero grabe talaga. Napagsalita ko si Zeth kanina. And wow!"

-

Nakahiga na ako sa kama ko pero di padin maalis sa isip ko yung amoy ng bibig ni Zeth. Hayyy. Sana pala pinasok ko yung ilong ko sa bibig niya. Hayyyy.

Good night everyone! First day done! Six days to go.

---

Wooh! Tapos na ang first day ni Loisa sa mansyon ni Zeth. Ano pa kayang kakulitan ang magagawa niya? Maaachieve niya kaya ang misyon niya. Hahaha!

Comment and Vote pleaseeeeee! ;)
Next update kapag may 5 votes na ako and 300 reads ;)

Si Ateng Makulit at Si Kuyang TahimikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon