Loisa's POV:
Dahil excited ako sa date thingy ni Dave eh alas-kwarto pa lang ng madaling araw gising na ko. Hahaha. Excited ba? Wala eh first date ko to eh! Hahaha. Pero date nga ba to?
Haynako Loisa napakaassumera mo talaga. Ang sabi ni Dave sasama ka para may taga-alaga si Zeth. Tssss. Kung ano-ano kasi naiimagine mo eh yan tuloy nasaktan ka. Haha.
Pero mabalik tayo date man to o ano ang mahalaga excited ako. Haha.
Bumangon na ako sa aking malambot na kama at tumingin sa labas ng bintana.
"Grabe ang dilim pa pala. Haha" sabi ko sa sarili ko.
Dahil wala pa kong magawa pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig.
Pagkababa ko sa kusina nakita ko don si Ate Mila.
"Good morning Ate Mila" bati ko sa kanya. Kasalukuyan siyang nagkakape ngayon.
"Oh ang aga mo ata magising?"
"Maaga din po ako natulog eh" sabi ko pero ang totoo mga alas-dose na ko nakatulog dahil sa excitement. Haha
"Ahh ganon ba. Oh magkape ka muna"
"Nako hindi na po akyat na po ako. Uminom lang ako saglit ng tubig" sabi ko at umakyat na. Pero bago ako bumalik ng kwarto dumaan muna ako sa kwarto ni Zeth.
Hahaha! Ano kayang itsura niya ngayon? Hmmmm. Dahil sa kacuriousan ko binuksan ko ng dahan dahan yung pintuan niya at sinilip siya ng bahagya.
Waaaah! Ano yung ginagawa niya?!! Nagulat ako sa nakita ko kaya dali-dali akong bumalik ng kwarto at naiwan kong bukas yung pintuan niya.
Grabe! Kung ano man yung nakita nako tatatak na sa isipan ko yon habambuhay! Waaaah!
Gusto niyo ba malaman? Sikretong malupit dahil baka kayo magulat din at naisin niyo pang makita yon! Ako lang sapat na. Haha
Dahil sa nakita ko nawala tuloy yung konsentrasyon ko kaya naman tinuon ko na lang yung isip ko sa ibang bagay.
*
Nagulat ako sa pagtunog rooster alarm ko. Pagtingin ko sa orasan 8:30 A.M. na. Buti naman at nakatulog ulit ako.
Bumangon na ulit ako para makapagayos ng sarili pero bigla nanamang pumasok sa isip ko yung nakita ko kanina. Waaah! Stop it Loisa hindi tama sa isang babae na isipin ulit yun! Waaaah! Pero di ko kaya!!
Nagulat naman ako sa biglang natext.
From Dave: Papunta na kami diyan ni Lara. Daanan na lang namin kayo diyan.
Dahil sa nabasa ko dali-dali akong lumabas ng kwarto para puntahan si Zeth. Papunta palang ako sa kwarto niya pero nakita ko siya na nakabihis na.
"Oh Loisa bakit di ka pa bihis?"
"Ha? Bakit?"
"May gala tayo diba? Una na ko sa sala sunod ka na lang"
Waaa! Bakit ang aga naman? Hindi ko naman expected na ganito pala kaaga edi sana di na ko bumalik sa pagtulog at nagayos nalang ako ng sarili for 4 hours. Haha.
Pumasok na ako ng kwarto at dali-daling naligo at nagbihis siguro mga 10 minutes lang tapos na ko. Ambilis ba? Wala eh kesa naman maiwan ako edi binilisan ko. Minadali ko na din ang pagbibihis ko dahil baka anytime dumating na sila Dave at iwan pa ko.
Bumaba na ako sa sala at nakita ko na nandon na sila.
"Oh Loisa ikaw nalang hinihintay. Tara!" Sabi ni Dave. Lumapit naman ako sa kanila. "Oo nga pala, this is Lara" pakilala pa niya sakin. Well, maganda siya as in siguro kung lalaki lang ako baka niligawan ko na to. Haha
"Hi. I'm Loisa" sabi ko naman. Nakipagshakehands naman siya sakin.
Sumakay na kami sa kotse ni Dave nasa unahan siya katabi si Lara tapos kami ni Zeth nasa likod.
Spell kilig? L-o-i-s-a! Hahaha. Eh paano ba naman kasi ang lakas ng dating ngayon ni Zeth. Napakacool ng look niya tapos yung amoy niya napakabango pa. Hmmmmm.
Bumyahe lang kami papunta sa isang hindi ko alam na lugar. Duh? First time ko po sa Manila remember? Haha.
Pero mga ilang minuto lang nakakakita na ko ng malalaking building. Witwew! Nako baka kapag nakita to ni inay magtitili yon sa sobrang saya. Haha!
Ilang saglit lang dumating na kami sa pupuntahan namin. Ang laki ng mall na to. May malaking globo sa harap. Mall of Asia ata tawag dito eh. Wow lang!
"Oh andito na tayo" sabi ni Dave.
Bumaba na kami ng kotse at nagsimula nang maglakad. Magkatabi si Lara at Dave. They look sweet sana ganon din kami ni Zeth. Hehehe. Joke!
"Oh ganito! Hiwalay tayo ha. Kami ni Lara tapos kayo ni Zeth" sabi ni Dave.
"Huh? Bakit?" Sabi ko. Sige lang Loisa magpanggap ka lang na ayaw mo!
"Wala lang gusto ko lang. Haha. Osige na enjoy the day guys" sabi niya sabay alis na.
Haynako! Ano ba to?! Kaming dalawa na lang ni Zeth. Haha. Sana magsalita siya no.
"San tayo?" Tanong ko sa kanya.
"San mo ba gusto?"
"First time ko kaya dito kaya wala akong alam. Ikaw na san ba maganda?"
"Ok"
Naglakad na siya at sinundan ko naman.
"Ano ba yan? Bakit nangiiwan ka? San ba tayo pupunta?"
Hindi siya sumagot pinagpatuloy niya lang ang paglalakad.
"So, baliw lang ang peg ko ngayon? Talking to myself? Kausapin mo naman ako. Pleasssee."
"Tss. Kakain tayo"
Naglakad lang kami papunta sa hindi pamilyar na lugar - isang seafood restaurant.
"Wow. Dito tayo kakain?"
Tumango lang siya bilang sagot.
Naglakad na siya sa loob kaya naman sumunod na din ako.
Umupo kami sa isang kawayan na upuan na may kawayan na mesa. Ang lakas makaprobinsya ng restaurant na to.
Wow! Ang ganda pala dito kasi kita mo sa labas yung dagat. Dagat ba to?
"Zeth! Ano yan?" Sabi ko sabay turo sa labas.
"Alin?"
"Dagat ba yan? Pacific Ocean?"
"Tsss. That's Manila Bay"
Ooooooh! Ang ganda. Ang sarap ng hangin.
After ilang minutes dumating na din yung waiter para kunin yung order namin. Mga seafoods pala yung specialty nila dito. Umorder ako ng crab, shrimp at squid. Ang takaw ba? Gutom eh. Haha.
Dumating na din sa wakas yung mga kakainin namin.
Kumain kami ng tahimik. Haha. Ano bang bago? Kahit naman magsalita ako hindi din naman magsasalita yang lalaki sa harap ko eh. Hehe.
"Ang takaw mo" sabi ni Zeth. Halos mabulunan ako dahil sa gulat. Akalain mong nagsalita si Zeth. Haha. Achievement?
----
cut!
Comment and Vote
BINABASA MO ANG
Si Ateng Makulit at Si Kuyang Tahimik
RomanceAnong mararamdaman mo kapag may isang babaeng napakakulit ang dadating sa tahimik mong buhay? Hayy. Simula kasi ng dumating siya sa tahimik kong buhay nagbago na ang lahat.