Pumunta kami sa bahay ng crush ko para gumawa ng performance task namen. Tapos todo tukso sila saken."Pano bayan sis mamemeet mo naren yong family mo" kantyawan nila saken habang ako abot langit yong ngiti sa tuwa kase finally makakapasok naren ako sa bahay nila, sa magiging future bahay ko HAHAHAHAHA
Nang buksan na ni crush yong gate bigla kaming napanganga, maraming sasakyan, malaki ang bahay tsaka sobrang linis tapos bigla siyang nagsalita
"Wag kayong mahiya. Mag ingat lang kayo sa pamangkin ko nanununtok yon sa mga taong di niya kilala" sabi naman niya sabay ngisi at bigla kaming natakot kase baka bigla kaming pagsusuntukin tapos maya't maya pagkapasok namen sa pinto bigla ngang lumabas yong pamangkin niya, nagtatakbo habang may dalang eroplanong laruan tsaka sinalubong si crush ng mahigpit na yakap.
"Papa!" sigaw ng pamangkin niya sa kanya tapos mayat maya pa ay kumalas ito sa pagkakayap at pinagsusuntok yong mga kaklase ko maliban saken.
Bigla akong natakot nang tumayo siya sa harapan ko tapos napapikit ako ng mata sa sobrang kaba pero pagdilat ko nagulat ako na niyakap niya ako.
"Mama!" sigaw niya sa akin at nagtaka ako habang nakataas ang kilay kong tinititigan si crush.
"Papa told me na ikaw daw yong wife niya kaya starting from now you are my mama. Papa loves you so much po palaging ikaw yong bukambibig niya" sabi ng pamangkin niya saakin at bigla akong namula.
Credits: Kath Arguilles
---China oil HAHAHAHAHA